Pinagpipiyestahan sa socmed... KARLA, NAGSALITA NA SA BREAKUP NG KATHNIEL
- BULGAR
- Oct 29, 2022
- 1 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 29, 2022

Umuusok ang balitang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa social media.
Wala mang paglilinaw na inilalabas ang kampo ng on-and-off screen lovers pero pansin ng iba ang “distansiya” nina Kathryn at Daniel recently. ‘Ika nga nila, action speaks louder than words.
Sa latest Instagram post ng ina ni Daniel na si Karla Estrada, may isang netizen ang mapangahas na nagtanong sa dating host ng Magandang Buhay kung totoong hiwalay na ang kanyang anak kay Kathryn.
Tanong ng netizen na may account name na nalie0224, “Tita Karla, please enlighten us na hindi totoo na break ang KathNiel or may prob sila po... May naglalabasan po kasing mga comments sa TikTok dahil lang sa pagsabi ni DJ na si Summer ang definition ng pinaka-loyal niya.”
Simple lang ang sagot ni Karla sa netizen pero nagsusumigaw in all caps ang mga letra, ha?
“@nalie0224 WALANG KATOTOHANAN!!!” aniya.
Nagpasalamat kay Karla ang KathNiel fans/followers sa paglilinaw sa balitang breakup nina Kathryn at Daniel.
“@karlaestrada1121 ay salamat tita karla. Dami kaming malulungkot ‘pag nag-break sila.’”
“@karlaestrada Tita, you make me happy.”
So, there.





Comments