Pinagpaplantsa, ibinibili ng kape, etc… BEA, MALA-PRINSESA KUNG PAGSILBIHAN NI DOMINIC
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 09, 2023

Wala nang mahihiling pa si Bea Alonzo sa pagkakaroon ng boyfriend na tulad ni Dominic Roque. Hindi lang kasi ito boyfriend material kundi isa ring ideal husband.
Kaya naman, lalo siyang minahal ng aktres.
Samantala, pinansin ng ilang fans ang mga damit na isinusuot ni Dominic sa mga posts nila ni Bea sa social media. Para raw hindi nagbaon ng damit si Dominic dahil ‘yun lagi ang kanyang suot sa mga photos nila ni Bea.
Pero, dedma at chill lang si Dominic at hindi pinansin ang isyu ng mga fans sa kanya.
Hindi naman kasi si Dominic ang tipo ng lalaking fashionista. Sapat na sa kanya na komportable siya sa suot niyang damit.





Comments