Pinagpapala dahil tumutulong daw siya…"LAHAT NAGKA-COVID NA, AKO NEVER PA" — KORINA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 11, 2022

Umani ng batikos si Korina Sanchez sa kanyang Instagram post kung saan very thankful siya dahil sa dinami-dami ng nagpopositibo sa COVID-19 nitong pagpasok ng 2022, siya ay hindi pa tinatablan at 'yun ay dahil daw siguro sa pagiging matulungin niya.
Sa unang IG post ni Korina ay ito ang caption niya, "IMAGINE. Lahat nagka-covid na. Ako never pa. And I'm ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?”
May mga nag-react at nang-bash kay Korina dahil feeling naman daw nito, siya lang ang bukod na pinagpala sa lahat dahil sa kanyang pagtulong.
Ibig daw palang sabihin, kailangang tumulong tayo para 'di magka-COVID?
Paliwanag naman ng TV host-broadcaster, "miscalculated words" ang isinulat niya though patanong naman daw.
Binago ni Ateng Koring ang kanyang caption at tinanggal na ang tungkol sa kanyang pagtulong.
“Thank you Lord. So many sick and infected. I've never been positive — even as I'm all over for work I have to do. Frontliner pa ako ngayon sa househelp and driver ko. Help me help others through this pandemic. Kaya natin ito.”
Nilinaw din niya na hindi naman ibig sabihin ay nagkulang o hindi blessed ang mga nagkakasakit ng COVID.
"Ano ang koneksiyon? Thanks. Baka sensitive lang sila. OR MGA TROLLS as I discover."
Pero mabuti na lang daw at binura na o pinalitan ni Korina ang caption sa kanyang Instagram post dahil ang dami naman talagang natatakot na sa nangyayari ngayon lalo't pataas nang pataas ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID.
Sana raw ay mas maging sensitive na next time ang misis ni Mar Roxas.





Comments