top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pinagkaisahan daw ng 3 sa Gold Squad… ANDREA, SETH AT KYLE, NO SHOW SA DEBUT NI FRANCINE

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 3, 2022
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 3, 2022




Masayang-masaya si Francine Diaz sa kanyang 18th birthday celebration na ginanap last February 26, bagama't ang actual birthday ng young actress ay January 27.


Month-long ang celebration ng debut ni Francine kaya super happy daw siya dahil hindi niya sukat-akalaing mangyayari ito sa kanyang buhay.


Never daw niyang naisip na magiging reality ang dati ay nasa isip lang niya kapag siya'y tumungtong na sa edad 18.


Kaya lang, masaya nga ba talaga ang young actress gayung wala sa mga dumalo ang tatlong personalidad na naging bahagi ng kanyang pagsikat, ang mga kasamahan niya sa Gold Squad na sina Kyle Echarri, Andrea Brillantes at Seth Fedelin?


May mga nagtatanong nga, "Bakit wala ang 3 miyembro ng Gold Squad na sina Andrea, Kyle at Seth sa debut party ni Francine?"


Ang sabi naman ng mgs Marites, "Hindi kaya pinagkaisahan talaga nila si Francine?"


Ayon kay Ogie Diaz sa Showbiz Update YouTube Channel nila ni Mama Loi, invited naman daw talaga ang tatlong Kapamilya stars pero nagkaproblema raw sa kani-kanilang mga schedule.


Nagsu-shoot daw sa Baguio ang tatlong young stars para sa isang project na hindi kasama si Francine, ang Lyric and Beat.


Samantala, si Francine naman ay may sariling project na hindi kasama ang tatlo, ang Bola-Bola.


Sambit ni Ogie, “Ang sabi sa akin, ha, invited daw. Ang siste, nagkataon na si Blythe o si Andrea, si Seth at si Kyle ay nandoon sa Baguio, nagsu-shoot ng Lyric and Beat."


May pagka-intriga naman ang follow-up question ni Mama Loi, bakit daw hindi ka-join si Francine sa Lyric and Beat?


Sagot ng beteranong kolumnista at talent manager, schedule talaga ang problema. 'Yun din daw ang dahilan kung bakit hindi na si Kyle ang partner ng birthday celebrator sa Bola-Bola.


“Nagkasabay din daw ang Lyric and Beat saka 'yung Bola-Bola na isa ring series.”


At ang isa pang dahilan ay nasa loob pa ng PBB house ang young actor that time.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page