top of page
BIDA - KUH, PABOR SA TITO-KIKO TANDEM SA 2028, SINOPLA NG NETIZENS-IG _kuhledesma &reallys

Pinagkaguluhan, nagpunta na lang sa private room… BEA AT VINCENT, HOLDING HANDS SA OPM CON 2025 NG PUREGOLD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 7, 2025
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 7, 2025



Bea Alonzo at VIncent Co


Nakunang magka-holding hands ang rumored sweethearts na sina Bea Alonzo at Puregold President Vincent Co sa ginanap na Puregold’s OPM Con 2025 nitong nakaraang July 5 (Saturday) sa Philippine Arena.


Ipinost ng Net25 executive na si Caesar Vallejos sa kanyang Instagram (IG) page ang naturang larawan with the caption: “With the resounding success of

#PuregoldOPMCon2025 at the #PhilippineArena, this power couple is probably the newest staunchest supporters of the OPM industry in the Philippines: Puregold President Vincent Co and Bea Alonzo.”


Magkasamang dumalo sina Bea at Vincent sa naturang event para manood ng nasabing star-studded concert featuring a powerful line-up of iconic OPM artists tulad ng BINI, sina James Reid, Yeng Constantino, Flow G, G22, Skusta Clee, SunKissed Lola, KAIA, and SB19.





Mauupo na sana sila sa kanilang designated seats pero biglang nagsigawan ang mga tao at pinagkaguluhan na sila kaya bumalik sila sa loob.


Heard na nanood na lang sila ng concert sa isang private room ng arena.

Of course, sumama si Bea kay Vincent bilang suporta sa nasabing big concert na inorganisa ng Puregold as part of its very successful Nasa Atin Ang Panalo (NAAP) campaign.


Samantala, isang malaking tagumpay ang concert, drawing a massive crowd of 30,000 fans. Pagsamahin ba naman ang BINI, SB19 at iba pang big names sa OPM industry, bakit nga hindi ito dadagsain kesehodang umuulan pa nang araw na iyon.


Dahil na rin sa isinagawang ticket redemption events nationwide, fans traveled from across the country. Ang iba naman ay lumipad pa mula sa iba’t ibang bansa para lang mapanood ang isa sa mga itinuturing na pinakamalaking OPM concerts ng taon.

Isa sa mga highlights ng event ay ang pagsasama ng BINI at ni James Reid sa stage for their collab performance, Secrets


Sigawan ang mga tao at nag-viral agad ang video ng kanilang performance. Comment nga ng isang netizen, “A collab to die for.”


Nagkagulo rin ang audience sa medley ng BINI ng kanilang hit songs na Karera, Cherry On Top (COT), and Pantropiko.


The event also marked a bold new milestone in Puregold’s phenomenal rise in the entertainment space.


“We’ve always believed that our connection with our shoppers goes beyond the checkout counter,” pahayag ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager of Puregold.

“We are gratified to know that through Puregold OPM Con 2025, we gave our loyal members an unforgettable celebration of Filipino music, talent and pride on a massive scale,” dagdag pa niya.


From Luzon to Mindanao, Puregold’s OPM Con 2025 united Filipinos in a powerful celebration of identity, pride and sound.


“More than just a concert, it turned out to be one of the most successful and talked-about music events of the year,” saad pa ni Piedad.



IBINUNYAG ni Angelica Panganiban na isa sa mga dahilan kung bakit niya tinanggap ang dulang Don’t Meow For Me, Catriona (DMFMC) ay dahil sa pangungulila niya sa kanyang pumanaw na ina.


Sey niya sa kanyang latest Instagram (IG) post, noon pa raw niya gustong mag-theater pero hindi pa raw siya ready that time kaya dalawang stage plays na ang kanyang tinanggihan.


“Thirty-two years na pala ‘ko sa industriya. Pero alam talaga ni Lord kung ano ang laman ng puso mo. Lalo pa ‘pag ipinagkalat mo sa mga friends mo. Katulad ni direk @andoyr1973 na palagi kong sinasabihan na gusto ko talaga mag-teatro. Dalawang dula ang tinanggihan ko bago mangyari ito, wala pa ‘kong lakas ng loob noon,” aniya.

Tinanggap daw niya ang play dahil bukod sa maganda ang materyal, paraan din niya ito para maitawid ang kanyang pagluluksa sa ina.


“Mula nang mabasa ko ang dula ni sir @muchadoaboutryan, hindi maalis sa isip ko ang mensahe. Kasama na rin ang pangungulila ko sa mama ko na hindi man lang nagpaalaga. Naisip kong baka magamit ko ang materyal para maitawid ko pa ang pagluluksa. Hindi naman ako nagkamali.


“Kasama ng pangarap, materyal, napakahuhusay na bumubuo ng entablado, nagkaroon ako ng bagong respeto sa sining. Maraming-maraming salamat sa gabay direk @toni.go_ at nanay, Peewee O’hara,” pahayag ng aktres.


Nagpasalamat din si Angelica sa lahat ng sumuporta sa kanyang theater debut na itinanghal nitong nakaraang Hunyo.


“Sa lahat ng kaibigan na nagbigay ng oras, at suporta, hinding-hindi kayo makakalimutan. Mabuhay ang sining! Maligayang pagbati VLF! 20 YEARS! UNTRIED, UNTESTED, UNSTAGED PLAYS. Hanggang sa muling paghaharap,” saad ng aktres.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page