top of page
Search
BULGAR

Pinagdudahan, gustong ipa-DNA… SARAH, NEVER IBIBIGAY KAY RICHARD ANG CUSTODY SA 2 ANAK

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 1, 2024





Palaban at mukhang hindi nga isusuko ni Sarah Lahbati ang kanyang karapatan sa dalawa nilang anak ni Richard Gutierrez kahit na umabot pa sa korte ang lahat dahil sa pag-apela ng kampo ng estranged husband niya na mapunta sa kanya ang custody ng mga anak. 


Ang katwiran daw ni Sarah sa kanyang ex-husband at ex-mother-in-law na si Annabelle Rama, “Bakit kayo magde-demand ng child custody, eh, ‘di ba, gusto nga ninyong ipa-DNA test ang aking anak, dahil sa akusasyon na hindi si Richard ang ama ng aking anak?” 


Paninindigan na ni Sarah ang kanyang desisyon na ‘wag ibigay kay Richard ang custody ng dalawang anak kahit saang korte pa raw sila umabot. 


Well, the best way at paraan ay magkaroon na lang ng co-parenting agreement sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez. Kailangan din ng mga anak niya ang father figure, habang sila ay nagsisilakihan. 


Kahit pa nga kayang-kaya niyang buhayin ang dalawang anak, iba pa rin kung mararanasan ng mga bata ang magkaroon ng tatay na makaka-bonding. ‘Wag lang ilayo ni Sarah ang loob ng kanyang mga anak sa biological father nilang si Richard Gutierrez.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page