top of page

Pinagbabayad sa Tate… P282 MILYON TALO NI PACQUIAO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 4, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | May 4, 2023




Pinagbabayad ang boxing champion na si Manny Pacquiao ng halagang $5.1 M o katumbas ng tumataginting na P282 M.


Pinaboran kasi ng jury sa US court ang isinampang breach of contract case kontra kay Pacquiao ng Paradigm Sports Management (PSM).


Kinatigan ng US court na na-violate ni Manny ang kontrata niya sa PSM bilang sole promoter ng kanyang mga laban nu'ng hinayaan ni Manny na ang ibang associates niya ang mag-ayos ng laban niya kay Errol Spence noong August, 2021.


Maraming kababayan naman natin ang sinisi pa si Manny sa ginawa niya kontra PSM. Ang iba ay mas concerned pa sa halaga ng ibabayad nito as damages.


"Pirma kasi siya nang pirma ng mga kontrata without thinking, basta may advance payment.


Katulad sa nangyari sa Golden Boy na si De La Hoya, basta na lang pumayag nang hindi nag-iisip. Ikatlong beses na 'to."


"Yes, justice served for this greedy ambitious man."


"FYI, MP's net worth as of 2023 is 375 million dollars (or P21 billion). ‘Yung 5.1 million dollars, or P282 M is just 2 months salary or income ni MP. So, sa tingin n'yo, maghihirap siya?"


"MP is MP. He will never get poor just by paying them $5.1M."


"It's not just about paying, it's about why he needs to pay in the first place."


"If he pays, it means that he acknowledged the lawsuit and admits he did something wrong.


Ewan ko ba sa mentality n'yo na hayaang masira ang dignidad at magtapon na lang ng pera kasi barya lang 'yung amount sa kanya."


"Ano naman ngayon?! The point is talo siya sa kaso. He didn't fulfill his obligations."


Ang iba naman, isiningit pa ang nananahimik na misis niyang si Jinkee Pacquiao sa pagkatalo ng kanyang mister sa kaso nito.


"Naku, 'yung amount na 'yun, puwede nang pang-botox, stem cell, face lift, etc. ni Jinkee, ha!"


"Have you seen the insane amount his wife spends?! The dude is broke."


‘Yun na!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page