Pinagagamit din ng artista van ang co-star… MAJA, BINIGYAN NG VERSACE SHOES SI AWRA
- BULGAR
- May 17, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 17, 2023

Ang suwerte-suwerte ni Awra Briguela dahil napalapit ang loob sa kanya ni Maja Salvador na tumatayong ate niya sa showbiz.
Nagkasama na noon sina Maja at Awra sa seryeng Ang Probinsyano at doon nagsimula ang kanilang friendship.
Sabi nga ni Maja, palagi siyang napapasaya ni Awra. May kakaibang energy at inspirasyon daw na ibinibigay sa kanya ang co-host niya sa Emojination, ang bagong game show nila sa TV5.
Kitang-kita ang chemistry nilang dalawa sa pagho-host ng game show.
Thankful si Awra sa TV5 at APT Entertainment na kinuha siya bilang isa sa mga hosts ng Emojination. Ito raw ang unang game show na magiging host siya kaya medyo kabado pa si Awra noong rehearsal.
Mabuti na lang at very supportive ang mga big bosses ng APT Entertainment at TV5.
Sinabihan ng mga ito sina Maja at Awra na "Just be yourself and enjoy the show."
Ang bongga naman ni Maja, binigyan niya si Awra ng branded at mamahaling Versace shoes dahil lang sa magkasukat sila ng paa.
Ipinagamit din ni Maja kay Awra ang "artista van" niya at pati ang mga isinusuot nito sa show ay siya rin ang nagsu-supervise.
Ganu'n na lang kalaki ang pagmamahal ni Maja sa kaibigang si Awra, kaya marami ang naiinggit sa young gay comedian.
Feel na feel naman ni Awra ang pagiging girl with long hair dahil may mga boys din palang umaaligid at nagpaparamdam sa kanya.
Ibinuking pa nga ni Maja na may sumusundo kay Awra tuwing pagkatapos ng kanilang taping sa Emojination.





Comments