top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pinag-aral uli ni Bistek… RUFFA, GA-GRADUATE NA NG MASSCOMM

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 09, 2022




Sa kanyang guesting sa Magandang Buhay, masayang ibinalita ni Ruffa Gutierrez na ga-graduate na siya sa kolehiyo sa darating na July, 2022.


Mass Communication ang kinuha niyang kurso dahil related naman ito sa kanyang career bilang artista. Naging host din siya dati sa ilang TV shows.


Ayon kay Ruffa, last year lang nakumbinse ng isang "special someone" na ipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Dati nang kumukuha ng crash course si Ruffa pero iba pa rin 'yung nakatapos ng college course.


Hindi man binanggit ni Ruffa ang pangalan ng “special someone” na kumumbinse sa kanyang magpatuloy sa pag-aaral, alam ng ibang hosts ng Magandang Buhay na ang dating mayor ng Kyusi na si Herbert Bautista ang kanyang naging mentor-adviser.


At masayang-masaya ang mga anak ni Ruffa sa kanyang pagbabalik-eskuwela. Maging ang kanyang Mommy Annabelle Rama ay proud na proud sa achievement na ito ni Ruffa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page