top of page
Search
  • BULGAR

Pinabayaan daw siya… MELAI, SINUMBATAN SI LORD DAHIL SA BUKOL SA DIBDIB

ni Julie Bonifacio @Winner | April 3, 2024




Naging makabuluhan ang mensaheng pinakawalan ng Magandang Buhay host na si Melai Cantiveros sa pagkakataong ibinigay sa kanya na maging bahagi ng Seven Last Words o Siete Palabras sa pag-oobserba ng Holy Week sa Minor Basilica of the National Shrine ng Our Lady of Mount Carmel last Friday.


Ibinahagi ni Momshie Melai ang mga natutunan at na-realize niya sa unang pagkakataon na nadiskubre niya ang bukol sa kanyang dibdib.


Ayon kay Momshie Melai, “Isa sa mga na-experience ko kaya ko nasambit itong 'Diyos ko, Diyos ko, bakit Mo ako pinabayaan?', may tumubo na bukol sa dede ko. Hindi siya kulani, sa bone part siya. Walang nakakaalam kahit ang anak ko, asawa ko o parents ko, dahil ayaw ko silang malungkot, ma-stress. 


“Kasi ako ang breadwinner sa aming family. Kung ako ay nai-stress, ayaw kong ma-stress din sila. Sinarili ko na lang at wala akong ibang pinagsabihan kung hindi Siya lang. Kapag nagdarasal ako, nababanggit ko, 'Bakit Mo ako pinabayaan, Diyos ko?'"


Malalim para kay Melai ang kahulugan nito kaya humingi raw siya agad ng tawad sa Diyos kung bakit niya nasabi ‘yun.


Sabi pa niya, “Hanggang sa kalaunan, patuloy pa rin akong nagdarasal. Humingi ako ng tawad sa Diyos. Hindi ito alam ng family ko, hanggang sa paulit-ulit kong itinanong, 'Diyos ko, bakit ako may bukol?' Hanggang sa ang tanong ko ay naging motivation ko na alamin bakit nga.”


Nu’ng nagdesisyon si Melai na magpatingin sa doktor, nagulat na lamang daw siya na hindi na niya makapa ang bukol sa kanyang dibdib.     


“Kakadasal ko 'Diyos ko, bakit Mo ako pinabayaan?' na-gets ko ang meaning kasi pinabayaan Niya ako magdasal para mapalapit pa sa Kanya at mas maging confident ako sa faith ko sa Kanya. 


“Kaya nakuha ko ang sagot sa dasal ko. Maniwala kayo sa hindi, hindi ko na ipinagdasal na mawala ang bukol ko. Ang ipinagdasal ko na lang ay bigyan ako ng peace of mind. 


“After two months, in Jesus' name, salamat talaga sa Panginoon, Siya talaga ang dahilan ng lahat ng ito — nawala ang bukol. Hindi pa ako umabot sa pag-checkup. 


“Grabe talaga. Gumising na lang ako na pagkapa ko — nawala ang bukol. God moves in mysterious ways. Nagtagumpay ako roon na Siya lang ang pinagsabihan ko," lahad ni Momshie Melai Cantiveros.


Hindi raw nag-self-pity si Melai nu’ng nagkaroon siya ng health scare. Instead, natutunan pa raw niya na maging strong ang kanyang pananampalataya sa Panginoon. 


“Natutunan ko talaga na walang ibang resulta ang paghihintay kung hindi kabutihan.


Natutunan kong ialay ang buhay ko sa Kanya wholeheartedly na walang pag-aalala.


Natutunan ko ang maging God-pleaser kaysa sa people-pleaser. 


“Kasi minsan, kahit hindi ko na kaya, mapagbigyan ko lang ang tao sa paligid ko, kahit napapahamak na ang health ko… ang dami kong natutunan sa pagsubok na 'yun,” pagbabahagi pa niya.


Inengganyo rin ni Momshie Melai ang publiko na huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng maraming pagsubok na dumarating sa buhay natin. 


Pagdidiin ni Momshie Melai, “Kasi roon pa lang sa thought na sa Kanya ka nagtatanong, you are in the right track of your life. At least, Siya ang kinakausap mo, si God pa rin ang nilalapitan mo. 


“Keep on talking to God, keep on praying to God and keep on asking God. Dahil Siya lang talaga ang may alam. Magalit ka, it's okay. Maiyak ka, it's okay, as long as Siya pa rin ang kakausapin mo in times of happy and trouble. 


“Dahil someday, it's going to make sense at malalaman mo ang reason kung bakit nasa ganoon ka na sitwasyon ng buhay mo. That's very true na sinasabi nila. Kasi ang buhay natin ay naka-choreographed na 'yan. 


“Nasa ‘yo lang kung iibahin mo ang stepping dahil maiiba ka talaga ng landas. Pero kung ibabalik mo ang stepping pabalik sa Kanya, hindi pa huli lagi ang lahat.”


Matatandaang unang ipinaalam sa publiko ni Momshie Melai ang tungkol sa pinagdaanang health scare sa programa nila nina Asia’s Songbird Regine Velasquez at Jolina Magdangal, ang Magandang Buhay, noong July last year. 



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page