top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pinaamin sa sama ng loob sa paglipat niya… PIOLO KAY BEA: ADIK KA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 6, 2022
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 6, 2022




Isa si Piolo Pascual sa mga celebrities na pinrank ni Bea Alonzo dahil April Fool's Day nga last April 1.


Nang makontak ng former Kapamilya actress si Papa P, ang agad na tanong ni Bea ay, “May sama ka ng loob sa akin?”


Nakarating daw kasi sa aktres na hindi umano nagustuhan ng aktor ang paglipat niya sa GMA-7.


Itinanggi naman ni Papa P ang akusasyon ni Bea.


Patuloy na 'pinaglaruan' ni Bea ang lead actor sa rom-com na My Papa Pi na napapanood every Sunday sa lahat ng Kapamilya platforms.


“Gusto ko lang tanungin kung totoong may sama ka ng loob sa akin?” sey ni Bea sa kabilang linya.


Dugtong pa niya, “May nakausap kasi ako. Gusto kong tanungin ka nang diretso. Parang nag-air ka yata ng sama ng loob tungkol sa paglipat ko sa taong kausap ko. Siyempre, 'di ko na sasabihin kung sino."


Pakiramdam ni Bea ay napapaisip si Papa P sa kanyang sinabi kaya sinabi na rin niya ang totoo.


“Alam mo 'yung akala ko talagang magkaibigan tayo, matagal na…wala lang, gusto ko lang sabihin sa ‘yo na prank call ito!” natatawang sabi ng aktres.


Ang sagot ni Papa P, "Adik ka! 'Yun na 'yun?!”


Samantala, ipinost ni Bea ang first taping day nila ng Start Up na pagtatambalan nila ni Alden Richards.


Isang larawan na nakatanaw siya sa papalubog na araw ang ipinost niya sa kanyang social media account.


Angckaging sa kanya ng Star Magic noon, very mysterious yet pang-masa sa movies. Ngayon, caption na isinulat ng aktres, "First taping day for my new series as a Kapuso. Thank you, Lord, for blessing us with this beautiful sunset today. This reminded us of how wonderful you are and how amazing your plans are for each and every one of us. I trust that you will guide me as I embark on this new journey. Handa na akong makilala ka, DANI #StartUp"

Komento ng mga netizens.


"Noong nasa ABS si Bea, wala siyang post-post ng mga shows niya. Talent management ang gumagawa sa kanya. Wala lang."


"Iba kasi ang pakay Shirley (Kuan, manager ni Bea) I think, ginagawa siyang pang-masa talaga at mainstream."


"Meron, lahat ng movies at teleserye niya, may post siya 'pag first day. Sa A Love to Last, may post pa nga siya na ang dialect, Batangueño, at sa pagiging Andeng niya. May post nga siya na sitting pretty sa bintana ng bahay ni Andeng."


"Lahat ng roles ni Bea, may pa-tribute. Naalala ko 'yung role niya sa Eerie, merong picture na madre siya at may appreciation post pa nu'ng tapos na ang shooting."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page