top of page
Search
  • BULGAR

Pilot testing ng localized limited face-to-face classes

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | March 4, 2021



Kasama ang anim pang senador, noong Lunes ay naghain tayo ng resolusyong nagrerekomenda sa paglunsad ng pilot testing ng localized limited face-to-face classes sa 1,065 pampublikong paaralan sa bansa.


Sa ilalim ng Senate Resolution No. 668, magtatakda ang Department of Education sa pamamagitan ng risk-based assessment ng mga paaralang makikilahok sa pilot testing na ito upang makapagkalap sila ng impormasyon at makapagdisenyo ng maayos na framework para sa pagbabalik-eskuwela.


☻☻☻


Ang rekomendasyon natin ay dahil sa pangambang patuloy na napag-iiwanan ang mga estudyanteng Pilipino dahil sa mga limitasyon ng distance learning.


Mahigit 24 milyong estudyante (24,861,728) sa basic education ang naapektuhan nang unang ideklara ang enhanced community quarantine noong nakaraang taon.


Ang masaklap, isang taon na ang nakalipas ay halos parehong bilang pa rin ang apektado ayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).


Samantala, bumagsak na mula 1.47 billion sa 208 million ang bilang ng apektadong estudyante sa buong mundo.


☻☻☻


Nababahala tayo dahil tiyak na patuloy na lalala ang kalidad ng edukasyon sa bansa dahil sa patuloy na pagsasara ng mga paaralan. Bago pa man magkaroon ng pandemya, hindi na maganda ang performance ng mga estudyante natin sa mga standardized test tulad ng National Achievement Test (NAT), Programme for International Student Assessment (PISA), Trends in International Mathematics and Science Study (TIMMS), atbp.


Umaasa tayong sa pamamagitan ng pilot testing matutukoy natin ang mga kailangang pagtuunan ng pansin upang masigurong ligtas na makababalik sa paaralan ang mga kabataan.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page