top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pili pa more sa klase ng bakuna ang mga Pinoy!

BULGAR
May 23, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | May 23, 2021


Namimili pa ng klase ng bakuna ang mga hitad.

Akala ay putahe sa fiesta ang COVID-19!

◘◘◘


ITINAKDA na ang laban ni Sen. Manny Pacquiao sa Agosto sa taong ito sa Las Vegas, Nevada.


Makakatunggali niya ang walang talong si Errol Spence.

Bilyong piso ang makokobra ng anak ni Nanay Dionesia!


◘◘◘


NANG matalo si Pacquiao kay Floyd Mayweather ay inamin ni Bob Arum na may iniindang sakit sa balikat ang kanyang alaga bago ang laban.


Pero, bakit hindi nila iniatras ang laban?


Tumabo ang mga pusakal na sugarol nang pumusta sa kalaban.

He-he-he!


◘◘◘


PUSAKAL na mga sugarol ang manonood sa Las Vegas.

Susundan ko kung saan tataya si Chavit!


◘◘◘


NAGKASUNDO ang Palestine at Israel sa tigil-putukan.

Nagsimula naman ngayon ang palitan ng putakan!


◘◘◘


NAGKAKAISA raw ang Pilipinas at China sa mapayapang usapan kaugnay sa West Philippine Sea.


Siyempre, nakauna na ang nakaposisyon sa mga isla.

Matagal nang kalakaran 'yan, walang bago!


◘◘◘


INAASAHAN ang 20 milyong doses ng COVID-19 vaccine ngayong Hunyo.

Namputsa, saan dadalhin 'yan kung ayaw magpabakuna ng mayorya?


◘◘◘


KAHIT sa Amerika, marami ang ayaw magpabakuna.

May phobia sila sa tusok ng karayom!


◘◘◘


SA isang barangay sa Plaridel, Bulacan —nagpabakuna ang 29 sa 30 barangay tanod.

'Yung isang natakot sa bakuna, tinamaan ng COVID-19, tepok.


Sino pa riyan ang ayaw magbakuna, itaas ang kamay at ihanda ang kabaong?


◘◘◘


SA India, isang bangkay ng lola na biktima ng COVID-19 ang biglang dumilat at nabuhay nang susunugin na ang kanyang labi.


Nakumpirma niyang ang impiyerno ay nasa lupa lang pala, kaya gumising!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page