Piktyur niyang nakanganga habang tulog, ipinost sa socmed… ELLEN, GUMANTI KAY DEREK, VIDEO NA
NAGHIHILIK, IKINALAT
ni Nitz Miralles - @Bida | June 29, 2021

Bumawi si Ellen Adarna kay Derek Ramsay nang i-post nito ang video ng fiance na natutulog at naghihilik. Ang caption pa ni Ellen sa post ay: “My cow is extra tired today #TheComebackisAlwaysBetterThanTheSet.”
Sagot ni Derek, “Mine was a photo!!! Unfair!!! I deserve this but you just wait.”
Sa video, nakahiga si Derek, samantalang sa photos na ipinost ni Derek na natutulog si Ellen at nakanganga, nasa car sila.
Looking forward na tuloy ang mga netizens sa mga susunod na pambubuking na gagawin ng isa’t isa. Tuwang-tuwa ang mga netizens na nakaganti si Ellen na dahil sa video, nabuking na malakas maghilik si Derek.





Comments