Piktyur na may hawak na beer, ipinost sa socmed… JULIA, BUNTIS DAW PERO KAINUMAN SI COCO
- BULGAR

- 7 hours ago
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | April 25, 2026

Photo: Coco Martin at Julia Montes - Instagram
Ipinasilip nina Coco Martin at Julia Montes ang kanilang mga larawan habang nasa bonding moment sa gitna ng pregnancy rumors ng aktres.
Mabilis na nakakuha ng atensiyon online ang mga posts dahil sa panibagong tsismis tungkol sa pagbubuntis ni Julia, lalo na dahil sa napaulat na pagkawala niya sa paparating na seryeng Sigabo.
Pinag-usapan ang naturang photo ng bonding nina Coco at Julia dahil makikitang nag-iinuman sila ng beer.
Sa caption, maiksi pero diretso ang isinulat ni Coco, “Date after work.”
Sa post ni Julia, ginaya lang din niya ang caption ng post ni Coco ng photo nila, “Date after Coco’s work.”
Wala pang kumpirmasyon kung may katotohanan ang balita na buntis na naman si Julia.
Pero kung buntis nga siya, hindi ba’t dapat ay bawal ang beer sa kanya?
MAY tsikang nagpakasal na umano sina Bea Alonzo at Vincent Co sa isang private ceremony sa Manila.
Tila inunahan na ng dalawa ang pagpapakasal sa bansa bago ang inanunsiyong wedding nila sa Spain sa May 16, na sinasabing gaganapin sa isang vineyard na pagmamay-ari ng pamilyang Co.
Komento ng mga netizens…
“Naku, sana nga! Congrats if ever at best wishes!”
“Mabuti nga at natuloy na ang wedding nila! At dahil sa umiinit na giyera ngayon, mahirap at nakakatakot munang magbiyahe sa malalayong bansa. Anyway, congrats at God bless sa bagong kasal: Mr. & Mrs. Vincent & Bea Co!”
“Wow! Tama nga ang manghuhula sa kanya, civil muna, then grand wedding. If true nga, congratulations and best wishes!”
“Intimate wedding ang gusto ni Bea, at ang mayayaman katulad ni Vincent ay gusto ng private wedding kaya match sila.”
“Nakakatawa ang manager ni Bea. Hindi na ma-deny na ikakasal o kasal na si Bea. Dati nade-deny pa kasi puro speculations pa, pero dahil na-announce na ng simbahan, hindi na kaya i-deny.”
“Kailangan nila itong gawin bago magpakasal sa Espanya.”
May mga nagtanong naman kung may pre-nuptial agreement kaya sina Bea at
Vincent para mapangalagaan daw ang yaman ng isa’t isa.
Well, abangan na lang natin kung totoo nga ang kumalat na chika. At kung totoo man, eh, di congrats and best wishes, Mr. & Mrs. Co!
Ipinost ng utol ng Asia’s Songbird…
PIKTYUR NI REGINE NA WALANG MAKE-UP AT PULANG-PULA ANG MUKHA, PINAGTAWANAN NI POPS
NAG-POST ng isang larawan ni Regine Velasquez-Alcasid sa social media ang kapatid nitong si Cacai Mitra bilang birthday greeting sa Asia’s Songbird na nagdiwang ng ika-56 na kaarawan noong April 22, 2026.
Pinagtawanan umano ni Pops Fernandez ang nasabing larawan ni Regine dahil sa hitsura nitong pulang-pula ang mukha at walang make-up, malayo sa ganda ni Regine kapag nasa harap ng camera at may show o concert.
Sey ng mga netizens…
“Ganyan talaga ‘pag tumatanda ang tao, nag-iiba ang hitsura.”
“Maybe that’s the effect of having lots of retoke.”
“Lahat naman, tatanda. Ikaw, ako, lahat. Well, Songbird is Songbird, winner pa rin.”
“Maka-issue lang?”
Sa kabila nito, marami pa rin ang nagtanggol sa singer.
Sey ng isang fan, “Kahit ano pa ang hitsura n’ya, talented naman.”
‘Yun na!




Comments