top of page
Brenda Mage - FB.jpg

Piktyur na magkasama, kumalat sa socmed… HEART, FEELING CLOSE LANG DAW KAY MICHELLE YEOH

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
4 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 28, 2026



Michelle Yeoh at Heart Evangelista - IG

Photo: Michelle Yeoh at Heart Evangelista - IG



Muling nagkasama sa isang litrato ang Hollywood superstar na si Michelle Yeoh at ang fashion icon na si Heart Evangelista, na agad umani ng atensiyon at samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizens.


Sa Instagram (IG) account ni Michelle na @michelleyeoh_official, ibinahagi ang larawan nila ni Heart.


Hindi naman nawala sa usapan si Sen. Chiz Escudero, lalo’t may mga netizens na nagpahayag ng paghanga sa umano’y tahimik na pagsasama nila ni Heart sa kabila ng kanilang magkaibang mundo at mga pinagkakaabalahan.

Sey ng mga netizens:


“The connection we do not have. I’m glad that Heart and Chiz are low-key and together. Pro-marriage pa rin ako basta walang cheating at bugbugan.”


“Chiz and Heart are very much together. Napaka-spoiled ni Heart kay Chiz sa lahat ng bagay. How they make their marriage work, sa standard ng lifestyle at work ni Heart, parang imposibleng mag-work out pero nagagawa nila. Iba talaga ‘pag matured ang lalaki.”


“Well, ganu’n talaga, sorry na lang sa mga haters, but they’re enjoying life. Tahimik lang sila sa socmed (social media).”


Pero hindi naman lahat ay sang-ayon sa pahayag na tahimik si Heart sa social media.


May netizen kasing pabirong sumagot ng, “Si Heart, tahimik sa socmed?”

May iba namang nagbalik-tanaw sa unang pagkikita nina Michelle at Heart at naglabas ng pagdududa kung talagang close ang dalawa.


Sabi ng isang netizen, “Nu’ng unang lumabas ang pics nila na magkasama, binentahan lang daw ni Heart si Madam (Michelle), kaya sila nagkita. Feeling close lang daw si Heart porke’t ‘di sa meet and greet sila nagkita.”


Hindi naman pinalampas ng isa pang netizen ang naturang komento at sinabing “Mapait. Alimango at lahat ng mali sa mundong ‘to.”


Sa kabila ng mga haka-haka, mas marami ang natuwa sa muling pagkikita ng dalawang personalidad.


Matatandaang bumisita sa Pilipinas si Michelle noong Nobyembre 23 para sa special screening ng kanyang bagong serye na Blade Runner 2099, na ipinalabas sa Prime Video noong Nobyembre 25.





Nagsimula sa PBB house…

MADIR NI ROBBIE, WALANG TUTOL SA PAGSASAMA NILA NI MIKEE



HINDI tutol si Mikee Cojuangco-Jaworski sa posibilidad na magtambal sa isang romantic-comedy ang kanyang anak na si Robbie Jaworski at ang Kapuso actress na si Mikee Quintos.


Ikinatuwa ng dating aktres-equestrienne ang ideya ng mga fans na makita sa isang proyekto ang dalawa, na nagpakilig sa mga manonood dahil sa natural na chemistry nila sa Pinoy Big Brother Collab 3.0.


Sa isang panayam, inamin ni Mikee Cojuangco na hindi pa niya napapanood ang mga fan edits ng tambalang RobKee sa social media. 


“I think that would be a cute project because they collaborated anyway,” sey ni Mikee.

Dagdag pa niya, bukas siya sa anumang oportunidad na makapagbibigay ng magandang proyekto kina Robbie at Mikee Quintos.


Aniya, “I think any opportunity that they can [do] something interesting right. So, why not? It can be studied.”


Nagsimula ang closeness ng dalawang housemates nang maging celebrity house guest si Robbie at nakasama si Mikee sa mga lihim na misyon.


Bago matapos ang guest stint ni Robbie sa Bahay ni Kuya, bumisita rin sa bahay si Mikee. Naging emosyonal ang muling pagkikita ng mag-ina matapos ang ilang linggong hindi nagkakasama. Bukod sa pakikipag-bonding sa anak, nakipagkuwentuhan din siya sa iba pang mga housemates.


Well, nakuha raw ng mga magulang ng Kapuso actress ang pangalang ‘Mikee’ sa ina ni Robbie.


Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon kung magkakaroon nga ng proyekto ang tambalang RobKee.






Sa dami raw ng ginagawa niya… 

GERALD, KUNTENTO NANG WALANG GF



KUNTENTO na ang aktor na si Gerald Anderson sa buhay kahit walang girlfriend. Nakatuon daw siya ngayon sa career at iba pang personal na layunin.


Aniya, hindi pa niya prayoridad ang pagkakaroon ng karelasyon dahil marami pa siyang gustong gawin at abala siya sa iba’t ibang proyekto.


“Wala naman talaga akong girlfriend ngayon. I don’t wish... ‘Di ko pa talaga iniisip,” pahayag ng aktor.


“Marami akong ginagawa and masaya ako sa sitwasyon ng buhay ko ngayon,” dagdag pa niya.


Nilinaw rin ni Gerald na wala siyang dahilan para itago sa publiko kung mayroon man siyang karelasyon.


“Sa edad ko ngayon, bakit ko pa itatago? Wala talaga. Ang dami ko pang ginagawa. ‘Pag dumating s’ya, darating ‘yun. Pero ‘di ko itatago,” aniya.


Huling naging dyowa ni Gerald si Julia Barretto. Kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon noong 2021, matapos unang umugong ang mga espekulasyon noong 2019.

Setyembre 18, 2025, kinumpirma ng Star Magic at Viva Artists Agency na nagpasya ang dalawa na maghiwalay. Ayon sa kanilang mga talent agency, mutual decision ang hiwalayan.


Nilinaw rin ng Viva Artists Agency na walang katotohanan ang mga kumakalat na espekulasyon tungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Sa kabila ng pagiging single, hindi naman nangangahulugang wala nang pinagkakaabalahan si Gerald. Bukod sa nalalapit niyang serye at pelikula para sa Netflix, ibinahagi rin ng aktor na may mga proyekto siyang ginagawa sa likod ng kamera.


“Ang daming ibinigay sa ‘kin, gusto kong magbalik din. Ang daming artista ngayon and ‘di lahat, may trabaho,” pahayag ni Gerald.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page