top of page
Brenda Mage - FB.jpg

Kalat na, si Kobie Brown daw… JILLIAN, AMINADONG HAPPY AT TUMITIBUK-TIBOK ANG PUSO

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | November 28, 2026



Kalat na, si Kobie Brown daw…
JILLIAN, AMINADONG HAPPY AT TUMITIBUK-TIBOK ANG PUSO

Photo: Jillian Ward / Instagram



Handa na ang Kapuso actress na si Jillian Ward para pasukin ang mundo ng konsiyerto. Mabebendisyunan ang kanyang singing prowess and dancing skills sa nalalapit na first major self-titled concert niya sa New Frontier Theater on December 8.


Sa ginanap na mediacon ng Jillian concert kahapon ay inilarawan ng aktres ang mga ganap sa buhay niya ngayong taon as “expansive”.


“Uh, siguro, expansive kasi po ang daming opportunities na ibinigay sa ‘kin ni God this year. Bukod po sa expansive, uh, loving,” lahad niya.


Nandoon daw kasi ang kanyang ina sa mediacon kaya sinabi niya na ‘loving’ ang isa sa mga word na puwedeng ipang-describe sa year 2026 niya.


“Actually, this year po, na-realize ko talaga that I am blessed more than anything dahil I have a family,” sey ni Jillian.


Nakikita naman niya ang 2027 na mas magiging challenging for her.

“I’m not sure pero gusto ko po kasing ma-challenge. Kasi tingin ko, du’n po talaga ako natututo. So, challenging in a good way po sana,” dasal niya.


And of course, curious ang marami sa lagay ng kanyang puso ngayon. 

Sinabi naman ni Jillian na happy at tumitibuk-tibok ang kanyang puso ngayon, pero tikom ang bibig niya na magbigay ng iba pang detalye.


“Uh, ano po, ‘di ko na lang idi-disclose talaga. (But) I’m happy po right now. Well, I’m 21,” nakangiting pahayag ni Jillian.


Samantala, tinanong namin ang aktres sa mediacon para sa nalalapit na first major concert kung ano ang kanta ng buhay niya ngayon.

Pakantang sagot ni Jillian, “Kapag Tumibok ang Puso.”


Ang kantang tinutukoy niya ay ang hit song noon ni Donna Cruz. 


Hindi man sabihin ni Jillian kung sino ang nagpapatibok ng kanyang puso ngayon, maingay ang bulung-bulungan na close friends sila ngayon ni Kobie Brown.


Si Kobie ay dating housemate sa Bahay ni Kuya. Middle of this year, unang umusok ang closeness nila ni Jillian. And now, pa-lowkey lang daw ang dalawa. 


Well, malalaman natin ‘yan kapag umapir ang aktor sa concert ni Jillian sa New Frontier Theater on December 8, directed by Marvin Caldito, na producer din ng concert kasama si Calvin Chua ng StageNova Entertainment Production.


Special guests are Ogie Alcasid, Flow G, Zephanie Dimaranan, and Darren Espanto.





Nang mag-face-to-face uli… 

HERO ANGELES, UMAMING NAMUHI KAY BOY



NAGHARAP muli si Boy Abunda at ang dati niyang ‘questers’ na sina Hero Angeles at Joseph Bitangcol.


Ang dalawang aktor ay unang nakaengkuwentro ni Kuya Boy sa talent show na Star Circle Quest kung saan isa siya sa mga hurado. Dalawa sina Hero at Joseph sa batch na nakapasok sa 12 na baguhang kasali sa competition.


Pagkalipas ng maraming taon, sumalang muli sina Hero at Joseph kasabay ng pag-ungkat ng kanilang saloobin kontra kay Kuya Boy.


Diretsahang tinanong sina Hero at Joseph kung kinamuhian nila ang TV host during the competition.


Sey ni Hero, sadyang hindi raw maiiwasan na nakaramdam sila ng pagkamuhi. Pero nauunawaan daw niya na bahagi iyon ng trabaho ng King of Talk.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page