top of page
Brenda Mage - FB.jpg

Dating heartthrob… AGA, BIGLANG-PAYAT, NATUYOT AT TUMANDA

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 28, 2026



Dating heartthrob… AGA, BIGLANG-PAYAT, NATUYOT AT TUMANDA

Photo: Aga Muhlach interview / Circulated



Ang laki ng ipinayat ngayon ni Aga Muhlach, na ayon sa aktor ay sadyang pinaghandaan niya dahil sa pelikulang 2nd Miracle in Cell No. 7, na isa sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026. 


Binigla raw masyado ni Aga ang pagbabawas ng timbang, kaya marami ang nagulat sa kanyang hitsura ngayon. 


Lumaylay ang kanyang mga pisngi at nagmukha siyang natuyot at tumanda. Mas gusto ng lahat ang dating hitsura ni Aga na medyo chubby, pero cute pa rin.


Hindi naman maiaalis na dati siyang heartthrob bago siya naging dramatic actor. At tiyak na aabangan ng lahat dahil nagmarka sa mga moviegoers ang kanyang pagganap noon sa Miracle in Cell No. 7 (Philippine Adaptation). 


Maraming nang-bash kay Aga at sinabing hindi bumagay sa kanya ang sobrang payat. Naglitawan din ang mga peklat sa kanyang mukha.


Ganunpaman, dedma lang ang aktor sa mga bashers na nanlalait sa kanya. Ang mahalaga ay suportado siya ng kanyang pamilya sa kanyang goal na magbawas ng timbang.





‘Di na pa-cute, level-up ang akting…

ANDREA, NEXT KAY MARIS NA HUMAKOT NG BEST ACTRESS AWARDS



MAGANDA ang feedback sa acting ni Andrea Brillantes sa pelikulang kanyang pinagbibidahan, ang Laya, dahil maging ang ilang kritiko ay napahanga rin ng aktres. 


Hindi na raw ito ang dating Andrea na pa-cute at pagrampa lang ang alam gawin. Seryoso na siya sa kanyang acting career at mukhang kakayanin nang makipagsabayan sa mga veteran stars.


Desidido na nga si Andrea na makilala bilang seryosong aktres. May ilan pang nagsasabi na baka balak niyang tapatan o pantayan si Maris Racal na ilang beses nang nanalong Best Actress dahil sa mahusay nitong pagganap sa pelikulang Sunshine.


Well, dapat ay masundan pa ng mas mabibigat na mga movie projects ang Laya ni Andrea upang mapantayan niya ang mga achievements ni Maris.





Ibang-iba sa pagiging beauty queen…

WINWYN, BIGLANG NAGING GENG-GENG NANG MAGING PBB HOUSEMATE



MARAMING viewers ng Pinoy Big Brother Collab 3.0 ang nagko-comment kay Winwyn Marquez. Isa raw siyang dating beauty queen na hinahangaan ng mga kalalakihan, pero nang makapasok sa Bahay ni Kuya, nagbago bigla ang kanyang personalidad. 


Naging geng-geng (astig o maangas ang dating) na rin siya tulad ni Nathan Garcia, at mukhang nahawa na rin ang ibang housemates.


Pero gusto naman ng marami ang pagbabagong ito ng beauty queen-aktres. Lumabas ang kanyang pagiging jologs at down-to-earth. Hindi ipinaramdam ni Winwyn sa ibang housemates na mas mataas ang level niya at hindi siya nag-feeling big star. 


Kaya naman, nakasundo siya ng mga housemates tulad ni Mikee Quintos na ate rin ang turing sa kanya. Nakakapag-confide sila kay Winwyn ng kanilang mga personal na problema. 


Nag-e-enjoy na siya sa kanyang pamamalagi sa Bahay ni Kuya, pero sobra niyang nami-miss ang kanyang anak na si Luna.





DAHIL sa tagal na nilang magkasama sa Pepito Manaloto, parang tunay na magkapatid na ang turingan nina Jake Vargas at Angel Satsumi (Clarissa) na mga anak nina Elsa (Manilyn Reynes) at Pepito (Michael V.) sa comedy-drama serye.


Limang taon pa lang noon si Angel nang makasama siya sa sitcom. Dito na rin siya nag-debut, at ngayon ay almost 20 years old na siya. At siyempre, may mga manliligaw na rin.


Well, kahit medyo chubby si Angel, hindi siya bothered kahit madalas tuksuhin ng kanyang Kuya Chito.


Isa pa, napamahal na sina Jake at Angel kina Manilyn at Michael V.. Para na rin silang mga tunay na anak ng dalawa kung ituring. 


At ang buong cast ng PM ay hindi namamalayang 16 years na pala silang magkakasama.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page