Piktyur kumalat, kasama sina Edu at Cherry Pie… PAULO AT JANINE, TODO-ENJOY SA BEACH SA PALAWAN
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 04, 2022

Buking sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez na naglilimayon sa isang beach sa Palawan.
Mga fans ni Paulo ang nag-post ng kuha nilang larawan sa Instagram na may user ID na tetchiesantos7.
Dalawang araw na ang nakalipas nang i-post ng fan ang larawan ng kanyang mga idolo.
Nilagyan niya ito ng caption na ‘PauNine in Palawan’ at naka-tag sina Paulo at Janine.
Ka-join ng dalawa sa photo sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.
Ang ipinost na larawan ay kuha pa raw noong January 12. Ngayon lang daw nasilip dahil nga tapos na ang teleserye ng dalawa, ang Marry Me, Marry You.
Base sa mga komento ng mga fans, tuwang-tuwa ang mga ito na sa tingin nila ay nagkatotoo ang wish nila na magkatuluyan in real life sina Paulo at Janine.





Comments