Piktyur, kumalat… HALIKAN NINA SHARON AT GOMA, PAMBABASTOS DAW KINA KIKO AT LUCY
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 23, 2022

Hindi nagustuhan ng mga netizens ang lumabas sa social media na larawan ni Megastar Sharon Cuneta kung saan makikita na hinahalikan niya ang kanyang ex-BF na si Mayor Richard Gomez.
Pareho na raw silang may asawa kaya hindi na dapat na inilalabas pa ang ganoong larawan sa publiko, lalo na't si Shawie ay may bahay ng ngayon ay vice-presidentiable na si Sen. Kiko Pangilinan.
Ano na lang daw ang sasabihin ng pamilya at mga supporters ni Sen. Kiko?
At si Richard, happily married na rin kay Congresswoman Lucy Torres. Siyempre, kahit paano, makakaramdam pa rin ito ng konting selos.
Ipinagtanggol naman si Sharon ng kanyang mga loyal fans. Hindi naman daw ang Megastar ang may gusto na kumalat ang nasabing larawan nila ni Richard Gomez. Maaaring kuha lang 'yun sa isang movie nila ni Goma.
Pareho namang masaya sina Sharon at Richard sa kani-kanilang marriage. Tapos na ang chapter ng kanilang pagiging GF-BF. Maaaring paninira lang kina Sharon at Richard ang lumabas na larawan dahil parehong tumatakbo sina Sen. Kiko at Mayor Goma.





Comments