Piktyur kumalat, confirmed... SANDRO, TODO-DENY NA GF SI ALEXA PERO MAGKASAMA SA SINGAPORE
ni Nitz Miralles - @Bida | October 4, 2022

Hindi lang sina Gerald Anderson at Julia Barretto ang couple na nanood ng F1 race sa Singapore, nanood din si Cong. Sandro Marcos at ang rumored girlfriend niyang si Alexandra Miro.
Hindi lang nabanggit ang pangalan ni Alexa at hindi siya nakitang nakabuntot kay Sandro, pero may photos sa after party yata ‘yun na nakitang magkasama at magkatabi sila.
Kita sa photo na masaya ang dalawa habang naki-cheer ng inumin sa isang lalaking hindi nakita ang mukha dahil naka-side view.
Dahil isinama si Alexa sa Singapore, ang ibig daw sabihin nito, kumpirmadong in a relationship sila ni Sandro. Pero, bakit may interview kay Sandro na sinabing single siya?
Tanong din ng mga netizens, dahil magkasama sila, ibig sabihin kaya nito, nakita o ipinakilala na siya ni Sandro sa amang si President Bongbong Marcos na nanood din sa F1 racing? O, baka naman matagal na siyang kilala ni PBBM at ni First Lady Liza Araneta-Marcos?
Anyway, nakakatawa ang mga comments sa balitang spotted sa Singapore sina Sandro at Alexa.
May nagsabing tapos na ang pila kay Sandro dahil uwian na at may nanalo na. May mga nag-comment naman na habang hindi pa ikinakasal ang dalawa, lahat ay may chance pa.





Comments