top of page

Piktyur, kalat na… XYRIEL, BINASTOS NG DRIVER NG SINAKYANG TNVS, NAGPRAMIS NA RERESBAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

Updated: 1 day ago

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | April 9, 2026



Xyriel Manabat - Instagram

Photo: Niño Muhlach at Janice de Belen - FB



Naloka ang aktres na si Xyriel Manabat dahil ang pagiging mabait niya sa TNVS (Transport Network Vehicle Service) driver na sinakyan niya nu’ng Martes papuntang taping ay binigyan ng masamang kahulugan nang magpa-picture siya.


Bata pa lang si Xyriel ay kilala na namin ito dahil madalas namin siyang nakakapanayam noon sa seryeng 100 Days to Heaven (100DTH) bilang si Anna Manalastas. Mabait talaga siya at sa mga gustong magpa-picture ay lagi siyang accommodating. Mabait din siya sa mga fans at laging namamansin. 


Dahil dumaan siya sa awkward stage, nag-lie-low siya sa showbiz at itinuon ang panahon sa pag-aaral.


Sa nangyari ngayon, siya pa mismo ang nag-offer na magpa-picture sa TNVS driver bilang pasasalamat dahil naihatid siya nang maayos at mas maaga sa kanyang call time.

Maayos naman silang nagkausap ng driver pero laking-gulat ng aktres nang mag-viral ang larawan nila matapos itong i-post ng driver na may malisyosong caption.



Photo: Circulated


Ayon sa post ng driver, “Nagulat ako, nagpapa-picture sa akin.

Xyriel Manabat: Kuya, picture tayo bago ako bumaba (naka-sleeveless).

Ako (driver): Sure Ma’am, ‘wag mo lang ibenta picture ko. Ang LAKI ng bata na ‘yan.”

Dahil dito, umani ito ng maraming negatibong komento at nag-viral. 


Sakto namang may mediacon ang bagong pelikula ni Xyriel kasama si Kyle Echarri na 18th Rose, na mapapanood sa Netflix ngayong April 9, kung saan tinanong siya ni MJ Marfori ng TV5 at ipinakita ang kumakalat na piktyur.


Nagulat si Xyriel. Aniya, “Suot ko ‘yan kahapon (Martes) papuntang taping.”

Hiningan siya ng komento nina MJ at Anna Cerezo ng TV Patrol, at sinabing ipinagtatanggol siya ng kanyang mga fans.


“Ah, okay. ‘Di kasi ako pala-phone pero now that I’m seeing this, I’m sure that I’ll do something about this. Kasi even before ako bumalik sa showbiz, isa sa rason kung bakit ako umingay, I’m really vocal about protecting women.


“Protecting me against sexual assault or sexualizing women. ‘Yun talaga ang advocacy ko. So now, that’s the first time na nakita ko ‘yan.


“Siguro, ‘yan ‘yung itinatawag sa akin ni Izzy kanina. Hindi kasi ako napo-phone low, kanina 1% lang, pero tumatawag si Izzy at nagte-text s’ya.


“Pero now that I’m seeing it, ‘di ko ‘yan papalagpasin. ‘Di dapat nagiging entertainment ‘yan in any form. I hope the platform or the app should do something about this because it’s not petty. It’s not something na any woman should experience on a daily basis.


“Sobrang nagulat ako kasi papunta lang ako ng trabaho. Imagine kung gaano kahirap ang trabaho ng babae. Nagtrabaho ka lang, nagpa-picture ka, you’re just being kind, you’re just being a decent human being and you get this in return. It’s not about the piece of clothing. Nakapang-trabaho ako, maayos ko siyang kinausap,” mahabang pahayag ng aktres.

Ayon pa kay Xyriel, naging mabait siya sa driver. 


Sey niya, “Nag-tip pa nga ako sa kanya kasi nahiya ako ‘pag may pinaghihintay akong tao. So, wow. I hope your family, your mom, your sister, or if you have a daughter, your wife, sana makita nila ito at makita kung ano’ng klaseng tao ka.”


Ipinagdiinan ni Xyriel na hindi niya ito palalampasin at gagawan niya ng aksiyon ang ginawa ng driver.


Diin niya, “I’m not scared to express my passion about protecting women, about protecting victims or the voiceless in any gender, in any age. I’ll use my platform.”

Habang naglalabas ng kanyang saloobin si Xyriel Manabat, kapansin-pansin din ang gigil ni Kyle Echarri sa ginawa ng TNVS driver sa aktres.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page