Piktyur, ipinost ng hotel manager sa socmed… ALJUR AT AJ, BUKING NA NAG-CHECK-IN NU'NG V-DAY
ni Julie Bonifacio - @Winner | February 15, 2022

Patamisan ng post sa socmed ang mga celebrities kahapon, Valentine’s Day. Pero iba naman ang drama ng controversial couple na sina Aljur Abrenica at AJ Raval.
Ibinuking — ‘di po “ibinooking” ha — ng isang hotel sa Tanauan, Leyte si Aljur na kasama si AJ sa Araw ng mga Puso.
Pinasalamatan kasi ng general manager ng hotel ang controversial couple sa pagbisita sa Haiyan Hotel and Resort sa caption ng post niya sa Facebook page ng naturang hotel.
As expected, nagpista na naman ang mga Marites sa lumabas na larawan nina Aljur at AJ.
“'Wag kayong ano, as a friend lang naman 'yan!”
“Tapos, 'pag na-bash na naman, papaawa na naman. HAHAHHAHAHHAHAHAHA”
“Happy now, suffer later.”
Ang ibang netizens, advanced namang mag-isip.
“Abangan ang posibleng maging half-brother/sister ng mga anak ni Kylie & Aljur."
“May mabubuo na naman."
Prior to this, may nakapagkuwento na rin sa amin na nakita ang dalawa na magkasama sa Batangas.
Ayon sa aming source, si Aljur lang dapat ang nandoon para i-meet ang isang government official.
Sa mga ‘di nakakaalam, may bar sa Batangas si Aljur at ang kanyang mga magulang.
Dumating daw doon si AJ na may locked-in shoot for a movie. Pero, “tumakas” daw ang aktres sa set ng movie niya, kaya bawal na bawal daw silang piktyuran.
Dagdag pa ng aming source, unang kita pa lang ni Aljur kay AJ ay agad na siyang na-in love sa sexy star.
Love at first sight, sabeee?





Comments