top of page
Search
  • BULGAR

Pictures sa IG, kaya binura?! NADINE AT FRENCH BF NA BUSINESSMAN, WALA PANG 1 YEAR, BREAK NA

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 22, 2022


Inalis na ni Nadine Lustre ang lahat ng posts niya sa Instagram kasama ang ex-reel-and-real partner niyang si James Reid from 2016 to 2020.


Understandable naman ‘yun since nagkani-kanya na sila ng buhay as magdyowa. Although, magkasama pa rin ang dalawa professionally dahil si James ang manager ni Nadine sa kanyang singing-recording career.


Ang ipinagtataka namin ay bakit pati ang picture ni Nadine with her French-Pinoy businessman boyfriend na si Christophe Bariou ay nag-“disappearing act” din sa Instagram ng aktres.


Sinilip namin ang IG ni Nadine kahapon at pawang mga solo pictures niya, mga stolen shots ng nature at kung anik-anik na lang ang naka-post.


Nasaan na ‘yung mga naka-post dati na adventures nila ni Christophe mula sa Siargao hanggang Europe?


Can’t blame the netizens kung isipin din nila ang naiisip namin na baka something wrong is happening sa magkarelasyon? Or break na kaya sina Nadine at Christophe?


Ang bilis naman kung break na agad ang dalawa, ni wala pa yatang isang taon, hah?


Kaka-confirm pa lang ni Nadine kay King of Talk Boy Abunda sa YouTube channel na The Boy Abunda Talk Channel ang relasyon niya kay Christophe at kung paano nagsimula ang kanilang relasyon.


If true, layasan na kaya ni Nadine ang Siargao? Paano na ‘yung nabalitang lote na patatayuan niya ng bahay?


Lalabas din naman if true na break na sina Nadine at Christophe. The soonest ay kapag ‘di kasama si Nadine sa birthday celebration ni Christophe on August 27, Saturday.


Let’s see kung may pangabog na birthday greetings si Nadine for Christophe on his birthday sa socmed.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page