top of page

Pictures sa binyag, ipinost ni Sharon… 2ND BABY DAW NINA COCO AT JULIA, POPOY ANG NAME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 28, 2023



Ilang araw ang sunud-sunod na pagpo-post ni Megastar Sharon Cuneta ng pictures niya kasama ang mga kapwa sikat na celebrities sa kanyang mga social media accounts. May picture si Mega kasama sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Alden Richards, Shaina Magdayao, Albert Martinez, Angel Aquino, Dimples Romana, Cherry Pie Picache, John Estrada at ang controversial couple na sina Julia Montes at Coco Martin.


Base na rin sa caption na inilagay ni Mega, ang naturang gathering of stars pala ay isang reunion. Pero may karugtong ito na: “Reunion, plus-plus!!!”


Sa umpisa ay puwede talagang isipin na reunion ‘yun ng mga dating stars ng FPJ’s Ang Probinsyano gaya nina Mega, Julia, Albert, John and Shaina.


But what about ‘yung ibang bigating stars na nandoon, pero wala sa nasabing action series gaya ni Daniel na never pang nakatrabaho ni Mega? Kaya nag-wan-plus-wan ang mga netizens na it’s not really just a reunion. At gaya ng sabi ni Mega, may plus-plus.


Hindi nakalusot sa mata ng mga netizens ang ibang detalye na nakasama sa loob ng mga pictures ni Mega gaya ng malaking teddy bear, mga balloons at ang blue and white 3-layer cake na ang topping ay may nakalagay na “God bless, Popoy.”


So, sino si Popoy? Definitely, batang lalaki si Popoy na related sa mga artistang nabanggit namin.


And based sa decoration ng venue for the event, makikita na batang lalaki ang nagse-celebrate dahil sa panlalaking teddy bear at color blue na mga balloons na kita sa mga pictures na ipinost ni Mega.


Parang ang motif ng event ay blue and white. At ang theme ay teddy bear. Duda ng mga netizens ay birthday celebration ‘yun ng isang baby or toddler. At ang pinagdududahan pa nila, first birthday celebration ng anak daw nina Julia at Coco ang event na pinuntahan ni Sharon with her friends.


Kasi lahat daw ng guests na makikita sa mga posts ni Sharon ay related kina Julia at Coco. Sina Kathryn, Daniel, Alden at Dimples ay ‘di nakasali sa Ang Probinsyano, pero related sila kay Julia, one way or another.


Nakasama at naging kaibigan ni Julia sina Kathryn, Daniel at Dimples, habang si Alden ang bagong leading man ni Julia sa kanyang pagbabalik-pelikula.


“OMG! KATHNIEL, AYUDA! Pero mga bhie ano’ng meron? Sino si Popoy? Hahahaha!”


“Binyag yata ng anak nina Coco at Julia??”


“'Yung 2nd child? 1st bday and binyag? Chariz.”


Sa tingin namin, mukhang binyag or dedication (‘yan ang tawag sa praktis ng mga Born-Again Christians kapag idine-dedicate nila ang kanilang anak sa Diyos) ng bata ang okasyon kesa sa birthday.


Usually, “happy birthday” ang nakalagay sa topping ng cake ng celebrator at ‘di “God bless”.


Say pa ng mga netizens, “Softly breaking in the issues about their kid/s. Glad their celeb friends were there with them supporting.”


“Abang-abang na lang sa mga matanglawin at mala-Sherlock Holmes na netizens for updates on Popoy.”


May nag-comment din na si Sharon lang daw ang nag-post ng mga pictures at mukhang siya lang yata ang ‘di nasabihan na ‘wag mag-post. Knowing Sharon na isang marespetong tao at ayaw din na pinangungunahan siya, palagay namin ay ipinaalam niya, especially kay Julia, ang pagpo-post niya ng mga larawan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page