Picture ng mag-ina, ipinost sa socmed… DANIEL, NAGSALITA NA SA HIWALAYAN NILA NI SOFIA
- BULGAR
- Jan 7, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 7, 2023

Naghayag si Daniel Miranda ng pagmamahal para sa kanyang mag-inang sina Sofia Andres at Zoe. Nag-post si Daniel ng picture ng mag-ina sa kanyang Instagram Stories at sinabi niyang "through thick and thin" ay mahal na mahal niya ang mga ito.
Maraming netizens ang natuwa dahil may espekulasyong maging sila raw ay naghiwalay na rin tulad ng ibang showbiz couples na nababalita ngayon.
Nagsimula ang usap-usapan tungkol sa kanila nang mag-post sila ng picture noong Pasko at Bagong Taon nang hindi magkasama.
Ani Daniel sa kanyang IG, "Through thick and thin, I love you both very much."
Magandang balita naman ito para sa mga tagahanga nina Daniel at Sofia na maayos ang dalawa lalo at ilang araw na ring usap-usapan ang espekulasyong hiwalay na sila.
Pinagbasehan din ng mga netizens ang mga cryptic posts ni Sofia na naging dahilan upang lalong umigting ang isyu sa kanila.
Nananatili namang tahimik ang dalawa kaugnay sa lumabas na isyu kaya marami sa kanilang mga tagahanga ang umasang hindi pa nga sila hiwalay. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens…
"Ayan, ganyan dapat, 'pag ikaw ang lalaki, kahit mapagod, magpapahinga lang but never cease fighting for your family."
"So happy for them. Stay strong lang, Sofia & Daniel. Stay strong no matter what happened."





Comments