Photo na naka-wedding gown, ipinost… BARBIE, NAMBUDOL NG MGA NETIZENS
- BULGAR

- Jun 25
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 25, 2026

Photo: Barbie Forteza - IG
Nabudol ni Barbie Forteza ang mga nakakita sa post niya sa Instagram (IG) suot ang wedding gown. Inakalang ikakasal na nga siya, lalo na’t ang caption ay: “I’ve waited for this so long. Nobody can ruin my big day,” at may ring emoji.
Marami ang nag-congratulate kay Barbie at may mga comment na sana, si David Licauco ang kanyang groom.
Idagdag pa, may tagging na “Comments on this post have been limited,” kaya walang makapagtanong kay Barbie.
Kaya lang, bago magtuluy-tuloy ang pagkalito ni Direk Gina Alajar, may nagtsika na eksena ni Barbie sa series nila ni Sharon Cuneta na Honor Thy Mother (HTM) ang ipinost nitong photo na nakasuot siya ng wedding gown.
Ibig sabihin nito, ikakasal ang karakter niya sa nasabing series. Hindi pa lang nababanggit kung sino ang groom ni Barbie o kung sino ang leading man niya.
And speaking of Barbie, hindi pa man tapos ang series nila ni Sharon, may bago agad siyang project. Ito ay ang Regal Entertainment movie na Saving Cherry (SC). Kasama niya rito sina AC Bonifacio, Mika Salamanca, Sassa Gurl at Mikee Quintos. This is directed by Ivan Andrew Payawal. Comedy ang movie at kayang-kaya ito ni Barbie dahil isa siya sa mga versatile actresses ng bansa.
“ARTISTA na ako,” ito ang sabi ni Gian Bernardino, isa sa lead vocalists ng Cup of Joe (COJ). Ito ay pagkatapos niyang pumirma ng movie contract sa Viva Films.
Isinabay sa film contract signing ang pagpirma ni Gian ng artists management contract sa Viva Artists Agency o VAA.
Pero nilinaw ni Gian na hindi niya iiwan ang COJ at priority pa rin niya ito. In fact, marami pa silang songs na ire-release at marami pa silang concert na gagawin.
Suportado ng kanyang mga kabanda ang pagpasok ni Gian sa acting, lalo na’t alam nilang gusto rin nitong mag-artista.
In fact, nagbida na siya sa digital series na Quaranthings: The Series (2021), at sa mga short films na Kubli at Microplastics. Naging tampok din sila ni Maris Racal sa music video ng Sino Ang Tanga at sa music video ng Bagong Buwan.
Puwede sa rom-com si Gian. May sense of humor ito at maraming pinakawalang punchlines sa interview.
Pero tatanggapin niya kahit ano’ng genre ang ibigay ng Viva. He likes to work with Anne Curtis, Sarah Geronimo, Vice Ganda at iba pang VAA artists.
Pressure kay Gian ang sinabi ni Boss Vic na ibi-build-up siya gaya nina Sharon Cuneta, Sarah G. at Regine Velasquez na nagsimulang singer at nag-crossover sa acting.
“Kinabahan ako at na-pressure. Imagine, ihilera ako sa kanila. I could be in line with them daw. Big pressure, but I will do my best because this is something I should not take for granted,” sey ni Gian.
Nabanggit ni Gian na nag-audition siya sa Pinoy Big Brother (PBB), kaya lang ay nasa Qatar siya noong panahong iyon at hindi puwedeng sumailalim sa physical audition.
Ngayong may opportunity na dumating, itutuloy ni Gian Bernardino ang dream na maging artista.
GINULAT ni Miguel Tanfelix ang mga nakakita sa bago niyang photos sa Instagram (IG) na may pasilip ng kanyang dibdib. First time nito sa ganitong photoshoot at sa caption na: “No one-man show,” hindi malinaw kung para saan ang photoshoot.
May mga comments na, “Binata na ‘to,” “Ibang klase talaga,” “So handsome, our Miggy! You have been my favorite ever since! So handsome, very talented, and so humble and down to earth.”
May nag-comment pa ng “Grabe, guwapo talaga,” “Meron na rin yata s’yang pandesal,” at “‘Yan ang hinihintay namin. Mag-all out ka na. Sige, paunti-unti. Chest muna, tapos next, may kasama nang abs.”
May nakakatawa pang comment na, “Diyos ko, Miguel! Mas bagay sa ‘yo ang ganito. ‘Wag ka nang bumalik sa dating style mo, char,” “Kay Ysabel (Ortega) lahat ‘to?” at “Taskforce Firewall better not end with Miguel not having a shirtless and sexy daring scene.”
‘Yan, hinihintay na ang pagta-topless ni Miguel at sexy roles niya.
Nabanggit nito na welcome sa kanya ang sexy roles, depende kung gaano ka-sexy at kung ano ang parte ng katawan na ipapakita.
Hindi lang magkasundo ang mga fans ni Miguel kung si Timothée Chalamet o si Jacob Elordi ang kanyang kamukha. Ipinagpasalamat nito ang pagtawag sa kanya ng ‘Timothée Chalamet of the Philippines’.
Napapanood ngayon si Miguel sa Taskforce Firewall kung saan sumasabak siya sa matitinding action scenes. In fairness, kaya na nitong maging action star.





Comments