top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Photo na may kasamang guy sa HK, kaya kumalat… SARAH, GUMAGANTI LANG DAW KAY RICHARD DAHIL KAY BARBIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 4, 2024
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 4, 2024




Bagama't nagpaliwanag na si Sarah Lahbati sa kumalat na litrato niya sa Hong Kong na may kasamang ibang lalaki habang kumakain sa resto at sinabing kaibigan lang niya ang naturang guy, ang feeling ng iba ay 'silent revenge' lang ito at gustong pagselosin si Sarah ang kanyang estranged husband na si Richard Gutierrez.


Una na kasing kumalat ang picture ni Richard sa social media habang kasama sa isang bar ang sexy actress na si Barbie Imperial. 


At nitong Holy Week lang, pinagdududahan ngang magkasama na naman sa bakasyon sa beach sina Richard at Barbie dahil sa kanilang background na napansin ng mga netizens na kuha sa iisang lugar lang.


Kaya ang paniwala ng mga netizens, naghihiganti lang si Sarah kaya kumalat ang picture nila ng kanyang guy friend sa HK.


Well, kahit sinabi ni Sarah na wala namang masama kung makita siyang may kasamang ibang lalaki dahil single na siya, hindi pa rin katanggap-tanggap para sa marami ang ganitong katwiran dahil 'di pa naman sila annulled ni Richard. 


Mas makakabuting sa career na lang daw mag-focus si Sarah at sa pagtatrabaho para mabuhay ang kanyang dalawang anak. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page