top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

PHL, Yuko sa Timor Leste sa AFC

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 2, 2021
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 2, 2021





Tinapos ng Pilipinas ang kampanya sa Asian Football Confederation (AFC) Under-23 Asian Cup Qualifiers sa isang masakit na 1-0 pagyuko sa Timor Leste noong Linggo sa Jalan Besar Stadium ng Singapore. Ipinasok ni Zenivio Mota ang nag-iisang goal sa ika-89 minuto para sa ikatlong sunod na pagkabigo ng mga Pinoy kung saan wala rin silang naipasok na goal.


Kahit saglit natigil ang laban dahil sa malakas na kulog at kidlat sa palaruan, tuloy pa rin ang kayod ng Pilipinas at mukhang matatapos sa tabla ang laro subalit dumating ang disgrasya na may isang minuto pa sa orasan. Bago nito, natalo ang Pilipinas sa defending champion Timog Korea (3-0) at punong abala Singapore (1-0).


Susunod para sa koponan ang Southeast Asian Games sa Vietnam sa Mayo, 2022. Ang parating na SEAG Men’s Football ay bukas para lang sa mga manlalarong ipinanganak simula Enero 1, 1999 subalit maaari silang kumuha ng hanggang dalawang higit ang edad upang palakasin ang koponan


Samantala, inihayag ng United City na hindi sila lalahok sa 2021 Copa Paulino Alcantara na magsisimula sa Nob. 7 sa Philippine Football Federation (PFF) National Training Center sa Carmona, Cavite. Sa halip, magtutuon ng pansin ng kampeon ng PFL sa depensa ng kanilang titulo sa 2022.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page