top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Phl Women's Football sa Asian Qualifiers Round 1

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 4, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 4, 2023




Laro ngayong Miyerkules – Hisor Central Stadium, Tajikistan

7:00 p.m. Pilipinas vs. Pakistan (oras sa Pilipinas)


Sisimulan ng Philippine Women’s Football National Team na lumikha ng bagong kasaysayan sa paglahok sa Paris 2024 Olympics Asian Qualifiers Round One ngayong Abril 5 sa Hisor Central Stadium sa Tajikistan. Dalawang tiket lang ang naghihintay para sa kontinente kaya asahan na magiging mas mahigpit ang labanan sa 25 na kalahok na bansa.


Bitbit ang kanilang pinakamataas na antas sa FIFA World Ranking na ika-49, mabigat na paborito ang Filipinas sa Grupo E. Nakatakda nilang harapin ang #161 Pakistan (Abril 5), host #144 Tajikistan (Abril 8) at #79 Hong Kong (Abril 11).


Naglabas ng listahan ang Philippine Football Federation (PFF) ng 21 manlalaro na karamihan ay mga beterana ng Pinatar Cup sa Espanya noong Pebrero. Pinangungunahan ito ng mga matinik na forward 2023 Philippine Sportswriters Association Miss Football Sarina Bolden, Katrina Guillou, Quinley Quezada at ang nagbabalik galing pilay sa tuhod na si Chandler McDaniel.


Binubuo ang midfield nina kapitana Tahnai Annis, Anicka Castaneda, Sara Eggesvik, Carleigh Frilles, Jaclyn Sawicki at Meryll Serrano na nagtala ng nag-iisang goal ng koponan sa Pinatar Cup. Nakasalalay ang depensa sa mga goalkeeper Olivia McDaniel, Inna Palacios at Kiara Fontanilla at mga defender bise-kapitana Hali Long, Maya Alcantara, Alicia Barker, Reina Bonta, Jessika Cowart, Malea Cesar, Sofia Harrison at Eva Madarang.


Tanging ang pitong numero uno lang ng Grupo A hanggang G ang tutuloy sa Round 2 sa Oktubre kung saan naghihintay ang limang bigatin Australia, Japan, Tsina, Timog Korea at Hilagang Korea. Hahatiin ang 12 koponan sa tatlong grupo at ang mga kampeon at may pinakamataas na kartada sa tatlong pumangalawa ang papasok sa Round 3 sa Nobyembre na tutukoy sa dalawang pupunta ng Paris.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page