top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Phl Women's Booters, babawian ang Laos sa AFC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 10, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | March 10, 2023




Laro ngayong Biyernes – Laos National Stadium, Vientiane

8:30 p.m. Pilipinas vs. Laos


Tumikim na mapait na 6-0 talo ang Philippine Women’s Football National Team sa Tsina sa kanilang unang laro sa 2024 AFC Under-20 Women’s Asian Cup Qualifiers Miyerkules ng gabi sa Laos National Stadium sa Vientiane. Sisikapin ng Filipinas na makabawi kontra host Laos ngayong Biyernes simula 8:30 ng gabi, oras sa Pilipinas.


Maaga pa lang ay binomba na ang goal ng Filipinas at umabante ang Tsina sa ika-siyam na minuto salamat kay Huo Yuexin. Sinundan ito ni Zou Mengyao sa ika-22 at humirit ng isa pa si Huo sa ika-36 minuto bago magsara ang first half, 3-0.


Isa-isang pinapasok sa second half ni Coach Nahuel Arrarte sina Kylie Anrie Yap, Journey Hawkins Jodi Mae Banzon at Elaine Pimentel para kay Ariana Markey, Rae Mikella Tolentino, Jonalyn Lucban at Isabella Flanigan subalit hindi ito nakalikha ng goal. Patuloy pa rin ang atake kay goalkeeper Kaiya Jota at dumating ang mga goal nina Lu Jiayu (69’), Ouyang Yuhuan (74’) at Qiao Ruiqi (82’).


Sa isa pang laro, naisalba ng Laos ang 2-2 tabla sa Hong Kong. Bunga ng mga resulta, kailangang manalo ng malaki ang Filipinas sa Laos at magdasal na magwagi ang Hong Kong sa Tsina. Tanging ang numero uno lang sa apat na bansa ang tutuloy sa Round 2 ngayong Hunyo. Tatapusin ng mga Pinay ang kampanya sa Linggo laban sa Hong Kong simula ng 5 p.m.


Samantala, patuloy ang aksiyon sa 2023 Philippines Football League (PFL) hatid ng Qatar Airways sa pagdalaw ng Dynamic Herb Cebu FC sa Azkals Development Team ngayong Sabado sa Rizal Memorial Stadium simula 4:00 ng hapon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page