top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Phl Booters, haharapin uli ang Chile sa FIFA Friendly

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 15, 2022



Patuloy ang pagharap ng Philippines Women’s Football National Team sa mga bigatin ng mundo at naitala ang 1-1 tabla sa FIFA Friendly laban sa Chile noong Linggo ng umaga (oras sa Pilipinas) mula sa Estadio Sausalito sa Vina del Mar. Sa gitna ng resulta ay lumitaw muli ang pangangailangan na iwasan ng Filipinas ang bumigay sa huling mga minuto at ang sana ay ginto ay biglang naging bato.


Naghatid ng eksaktong free kick si Sara Eggesvik patungo kay kapitana Hali Long na inulo papasok ang bola sa ika-26 minuto at maisahan ang kapitana at goalkeeper Christiana Endler upang lumamang ng maaga ang Filipinas, 1-0. Lalong ginanahan ang atake at hinanap nina Sarina Bolden, Quinley Quezada at Katrina Guillou ang pangalawang goal subalit matatag ang depensa ng Chile.


Nagawang itabla ng Chile ang laban sa ika-84 minuto sa goal ng 19 anyos na si Sonya Keefe na ipinatalbog ng isang beses ang bola sa lupa bago pumasok sa goal at napatingin lang si goalkeeper Olivia McDaniel. May pagkatataon pa ang Pilipinas na isalba ang resulta subalit kinapos ang kanilang huling mga sipa.


Magkikita muli ang dalawang bansa sa Miyerkules ng umaga sa kabisera ng Santiago.


Ang Chile ay kasalukuyang ika-38 sa FIFA World Ranking, mas mababa ng isang antas kumpara sa huling nakalaro ng Pilipinas na ika-37 Costa Rica noong nakaraang buwan.


Samantala, napuno ng drama ang 2-1 tagumpay ng Kaya FC Iloilo sa defending champion United City FC sa pagdalaw ng 2022-2023 Philippines Football League (PFL) hatid ng Qatar Airways sa Iloilo Sports Complex. Pumasok si Jarvey Gayoso sa ika-61 minuto kapalit ni Robert Lopez Mendy at inihatid ang nagpapanalong goal sa ika-78 minuto.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page