Philracom Sampaguita at 7 Races pa sa Malvar
- BULGAR
- Sep 24, 2023
- 2 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 24, 2023
Walong races kabilang ang Philracom Sampaguita Stakes Race ang masisilayan ng mga karerista ngayong araw na gaganapin sa Metro Manila Turf Club sa Malvar sa Tanauan City, Batangas.
Kabilang sa aabangan ng mga karerista ang P2-M stakes race ng Sampaguita kung saan magbabakbakan ang anim na mahuhusay na batang kabayo sa distansiyang 2,000 meter race.
May nakalaan na guaranteed prize na P2M na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, makikipagtagisan ng bilis sina Cam From Behind na sasakyan ni Kelvin Abobo, Dambana ni Jeffrey Bacaycay, Enigma Uno ni John Alvin Guce, La Liga Filipina ni Andrew Villegas, Charm Campaign at Flattering You.
Komento ng mga karerista, malaki ang tsansa na manalo ang Charm Campaign at Flattering You na sasakyan nina former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema at Jomer Estorque ayon sa pagkakasunod.
Hahamigin ng mananalong kabayo ang P1.2M, mapupunta sa second placer ang P450,000 habang tig- P250, 000 at P100,000 ayon sa pagkakasunod.
Kukubrahin naman ng breeder ng winning horse ng P100,000 habang tig-P60,000 at P40,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
“This will surely be a race to watch as all runners have a chance of pulling off the win considering their previous performances and with the distance playing an important factor in the connections’ strategies,” saad ni Philracom Chairman Reli de Leon. “The betting pools in this race will be spread out thereby giving the bayang karerista a juicy payout should he pick the winning combination."
Bukod sa nabanggit na stakes race, maglalarga rin ang Metro Manila Turf Club Inc. ng balanseng regular races para mas mapasaya ang mga kareristang maglilibang.
Samantala, isa pang aabangan ng mga karerista ay ang 3-Year-Old & Above Maiden race na pakakawalan sa unang karera.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Lagertha (7), Stay Funny (6), Rock To The East (9), Brightside (2)
Race 2 - Nuclear Bomb/Gomper Girl (3/3A), Cat Bell (7), Hamlet (5)
Race 3 - Sun Dance (13), Hombre (3), Rockaway (5), Bang (8)
Race 4 - La Liga Filipina (6), Flattering You (2)
Race 5 - Mettle Strength/French Leather (3/3A), Che Che (9), Binibini (10), Bullet (6)
Race 6 - Lucky Julliane (5), National Treasure (12), Can You Giub (8), Step Bell (7)
Race 7 - Sakalam/Tattler Story (5/5A), Magnolia Yana/ Lucky Noh Noh (7/7A), El Mundo (6)Race 8 - Jambo (5), Speak Easy (8), Pendant (11), Amelia (9)





Comments