top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

PHILRACOM, nagdaan sa matinding pagsubok

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 30, 2021
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | December 30, 2021



Sa pagtatapos ng 2021, maraming problema sa karerahan pero hindi naging balakid sa Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Kahit patuloy ang pinsala ng pandemya ay naikasa ng PHILRACOM ang malalaking stakes races tulad ng Presidential Gold Cup, Triple Crown series at Juvenile stakes race.


Matatapos na lang ang taon ay nagkaroon pa ng gusot sa karerahan dahil sa protestahan nang matapos ang mainitang bakbakan sa PHILRACOM-PCSO Presidential Gold Cup sa Metro Manila Turf, Malvar, Batangas, noong Dis. 12.


Tagumpay pa rin ang pakarera ng PHILRACOM sa pamumuno ni chairman Reli De Leon dahil nagampanan ng maayos ang tungkulin. Maraming batang kabayo ang nagpakitang-gilas ngayong 2021 kaya inaasahang mas mag-uumento sa 2022 at posibleng talunin ang mga veteran at tigasing kabayo.


Tulad ni Nuclear Bomb ni Gabriel Gaerlan, nabigo man sa triple crown series ay naukit siya sa kasaysayan ng karera nang manalo sa Presidential Gold Cup. Nasungkit ang first at second leg ng Triple Crown pero nasilat sa third leg kontra War Cannon.


Tatlong batang kabayo ang kuminang sa 2021 PHILRACOM Juvenile series, unang sumungkit ang Gomezian sa 1st leg, ang second leg kay Radio Bell habang kay Basheirrou ang 3rd leg.


Mas magiging markado ang tatlo sa 2022 Triple Crown championship. Maging si Mommy Caring ay aabangan ding tumakbong undefeated sa unang 3 stakes races na sinalihan. Nag-reyna nang sikwatin ang korona sa PSA Cup noong Nobyembre.


Naipanalo ng Mommy Caring ang PCSO Maiden, ang PSA Cup at ang Lakambini race.


Kontrobersyal sa Presidential Gold Cup ay napawalang bisa ang panalo ng Sky Shot nang madisqualified na may premyong P6M. Unang tumawid ng meta ang Sky Shot, pangalawa ang Nuclear Bomb at tersero ang Super Swerte sa karera pero nagprotesta si horse owner Sandy Javier kinabukasan.


Ilang araw na pinag-aralan ng Philippine Racing Commission board ang letter-protest ni Javier, may-ari ng Super Swerte bago naglabas ng resulta.


Sa desisyon ng PHILRACOM, disqualified ang Sky Shot kaya lumanding sa pangatlo at ang Nuclear Bomb ang nanalo at segunda si Super Swerte.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page