top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

PHILRACOM Japan Cup inaabangan sa Turf

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 14, 2023
1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | January 14, 2022


Hindi pa nagdeklara ang mga horse owner ng pagsali pero tiyak na inaabangan na ng mga karerista ang 2023 PHILRACOM Japan Cup na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas sa Enero 22.


Paniguradong sasalihan ng mga tigasing pangarera sa bansa ang nasabing karera dahil nakalaan ang P1-M garantisadong premyo na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line.


May distansiyang 1,800 meter race, ang tagisan ng bilis ay bukas sa lahat ng registered 4-Year-Old & Above Imported/Local Horses na nakasali na rin sa mga karera.


May hahamigin din ang breeder ng winning horse kasama ang second at third placer kaya paniguradong paghahandaan ng todo ang stakes race.


Samantala, hinangaan ng mga karerista ang Lucky Hilda nang manalo ito sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Miyerkules ng gabi.


Bakbakan sa rektahan ang winning horse at I'll be There at sa bandang huli ay nanaig ang Lucky Hilda ng may kalahating kabayo ang pagitan.


Sinakyan ni jockey Conrad Henson, inirehistro ni Lucky Hilda ang tiyempong 1:26.4 sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si MA Calixto ang P10,000 added prize.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page