PHILRACOM Commish Cup larga sa Metro Turf
- BULGAR
- Feb 2, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 2, 2023
Inaabangan ng mga karerista ang magaganap na 2023 PHILRACOM Commissioner's Cup na ilalarga sa Pebrero 26 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Kahit wala pang opisyal na line up ay tiyak na marami ang sasali dahi sa nakalaan na premyong P2.5-M na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line.
Nakaraang taon ay ang Boss Emong ang nagkampeon sa nasabing event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno nii chairman Reli De Leon.
Kabilang sa mga inungusan ni Boss Emong ay ang Super Swerte at Sky Shot na kapwa niya tigasing kabayo.
Paniguradong marami ang magsasaad ng paglahok upang puntiryahin ang tumataginting na premyo, ang mga makakasali ay 4-year-old & Above Locally born, may distansiya itong 1,600 meter race,
May hahamigin din na premyo ang breeder ng winning horse kasama ang second at third placers.
"Masarap manaya riyan sa karerang 'yan kasi sigurado sasalihan 'yan ng mga mahuhusay na kabayo at dahil malaki ang premyo ay paghahandaan ng mga trainers at hinete ang event na'yan," saad ni Paolo Manansala, veteran karerista.
Sa Pebrero 6 ang declaration at nomination ng mga sasali habang sa Pebrero 24 ang bolahan para malaman kung anong numero ang kanilang bibitbitin sa aktuwal na karera.





Comments