PHILRACOM 3-YO tatakbo sa Turf
ni Green Lantern @Renda at Latigo | January 26, 2023
Bakbakan na naman ang masisilayan ng mga karerista sa magaganap na 2023 PHILRACOM "3-Year-Old Maiden Stakes Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa susunod na buwan.
Siyam na kabayo ang nomido, dalawa roon ay mga palahi ni breeder/horse owner Melaine Habla na nakaraan lang ay nagpakitang-gilas ang kanyang mga pangkarerang kabayo.
Sina Glamour Girle at Grand Moments ang breed ni Habla na parehong anak ni Imported horse Brigand (USA).
Ang ibang nagsaad ng pagsali ay sina Cash On Hand, Chrome Bell, Melania, Prime Billing, Runway Ten, Song Bird at Tell Bell sa distansiyang 1,400 meter race.
Nakatokang sumakay kay Glamour Girle ay si jockey John Alvin Guce habang si class A rider Kelvin Abobo ang rerenda kay Grand Moments.
Wala pang inilabas na cash prizes pero tiyak na malaki ang magiging pa-premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRCOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. "Magandang laban ulit 'yan, maraming magagaling na batang kabayo, magagaling kasi mga breeder natin," saad ni Celso Vicente, veteran karerista.
Samantala, 8 races ang pinakawalan kagabi ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya naging masaya ang paglilibang ng mga karerista.





Comments