Philracom 2nd Leg Imported-Local Race sa San Lazaro Park
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | October 25, 2020
Hahataw ngayong araw ang 2020 Philracom 2nd Leg Imported and Local Challenge Race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Makabawi kaya sa pagkakatalo ang Sky Candy sa malaking kabiguan sa unang paghaharap sa Ist Leg Imported- Local Challenge Race nang magwagi ang dehadong si Tony’s Love sa distansiyang I,750 meters.
Bukod sa dalawang nabanggit makakalaban din ang Kick the Gear, American Factor, Into the Zone, Spuntatic at Phenom. Mahigpit na magiging kalaban ang American Factor at Spuntastic at Into The Zone.
Sa race 1 magsisimula ang Pick 5 at pinapaboran ang Kapayapaan, Best Regard at Erik the Viking at sa Race 2 na umpisa ng 1st WTA nakakakalamang ang Prettiest Star, Early Bird at Highway Hill.
Sa race 3 pinapaboran ko ang Tony’s Love at binibigyan ko ng panalo ang American Factor at Sky Candy at race 4 pinapaboran ang Doktora, Boni Avenue, Universe para sa pick 6 at paratingan sa Pick 5 sa Race 5 ang Real Smart, Go Go Princess at Coal Digger.
Pinapaboran sa Race 6 ang Taal Volcano, Legionaire at Gossips at lamang ang Real Gold at puwedeng tumalo ang Shining Vic at My Jopay sa Race 7.
Magiging paratingan sa 1st, WTA sa race 8 ang Oktubre Katorse at My Dad Bogart at magiging mahigpit ang laban sa Race 9 ang mga kalahok na Fire Dancer, Momentum at Ashea’s Will, mahigpit na magkakatunggali sa Race 10 Proud Idol at MacArthur Park.
Pinapaboran sa Race 11 ang Diwalwaalaat at Abel Iloco at isama sa mga tatayaan ang Noh Sen Young Yana, Mount Duwal Duwal at Case Bell sa Race 12 isama din ang Grey Area, Bond Mission at Bato sa Race I3.
Sa Race I4 nakalalamang ang Pride of Laguna magiging kalaban ang Pendant at Great Connection. Magkakalaban ang mga kalahok na Hard Work Classic, Anika’s Will at Isa Pa, Isa Pa sa Race 15.





Comments