Philippine Rubber Research Institute, pangunahing ahensya sa goma
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | January 20, 2026

Dear Chief Acosta,
Nais ko lamang malaman kung may institusyon ba o ahensya ng gobyerno ang nakatutok o maaaring mangasiwa sa pangangalaga ng mga rubber tree sa ating bansa? Salamat sa iyong magiging tugon. – Patthy Lim
Dear Patthy Lim,
Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Republic Act (R.A.) No. 10089, na kilala rin sa tawag na “Philippine Rubber Institute Act of 2010,” kung saan nakasaad, partikular sa Seksyon 4 nito, na:
“Section 4. Creation of the Philippine Rubber Research Institute. - There is hereby created the Philippine Rubber Research Institute, hereinafter referred to as the PRRI, which shall be under the control and supervision of the Department of Agriculture (DA).”
Nakasaad din sa Seksyon 3(a) ng nasabing batas ang kahulugan ng Philippine Rubber Research Institute:
“(a) "Philippine Rubber Research Institute" refers to the main institute for rubber at the Mindanao State University (MSU) to be based in the Municipality of Naga, Province of Zamboanga Sibugay and its satellite units as may be subsequently established whose mandate is to initiate and administer research and development programs to improve quality and increase productivity of rubber especially for the benefit of smallholder rubber producers and processors.”
Base sa mga nabanggit na probisyon ng R.A. No. 10089, itinatag ang isang ahensya na Philippine Rubber Research Institute na may mandatong magpasimula at mangasiwa ng mga programa sa pananaliksik at pagpapaunlad upang mapabuti ang kalidad at mapataas ang produktibidad ng goma, lalo na para sa kapakinabangan ng maliliit na prodyuser at processor ng goma. Ang nasabing ahensya ay sasailalim sa pangangasiwa ng Department of Agriculture (DA).
Kung kaya bilang kasagutan sa iyong katanungan, may partikular na ahensya ng gobyerno na binuo upang mangasiwa o mangalaga sa mga rubber trees sa ating bansa. Ang pangunahing tanggapan nito ay na matatagpuan sa Munisipalidad ng Naga, Probinsya ng Zamboanga Sibugay, at may mga satellite units na maaaring maitayo sa iba’t ibang lugar.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.








Comments