PhilHealth maternity benefits, mas mataas na — PBBM... Normal delivery P29K, caesarean P62K
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | April 30, 2026

Photo: Bongbong Marcos / FB
Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatutupad ang mas pinalawak at mataas na maternity benefits mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ngayong araw, Abril 30.
Sa kanyang video message, muling pinagtibay ng Pangulo ang kanyang pangako na tiyakin ang abot-kayang prenatal care, kabilang ang mga check-up, laboratory tests, hospital bills, at mga kinakailangang gamot.
Sa ilalim ng expanded program, ang sakop ng PhilHealth coverage para sa normal delivery ay tataas sa P29,000 mula sa dating P9,750.
Para naman sa caesarean section, tataas ang coverage ng PhilHealth sa pagitan ng P58,000 hanggang P62,000 mula sa dating P37,000.
“Sa maraming pagkakataon, kung sa ward manganganak, kahit sa private hospital, maaari nang wala ng babayaran paglabas,” saad pa ni PBBM.
Pinalawak din ang prenatal care mula apat hanggang walong check-up, kabilang ang mga bakuna at laboratory tests. Sasagutin din ng PhilHealth ang tatlong postnatal follow-up visits.




Comments