top of page
Search
  • BULGAR

PhilHealth hotline 24/7 na

by Info @Brand Zone | March 13, 2023




PhilHealth speech

PR 2024-0003



Inanunsyo ng PhilHealth na bukas na sa publiko ang hotline nito na (02) 8862-2588 at matatawagan anumang oras kahit na weekend o holiday. 


Ayon kay PhilHealth President at Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma Jr. “Ang serbisyo na ito ay maaari nang magamit lalo na ng mga kababayan nating OFWs anumang araw at oras. Hindi na nila kailangan pang maghintay sa pagbubukas ng tanggapan ng PhilHealth dito sa Pilipinas.” 


Inilunsad din ng PhilHealth ang “Click to Call” channel kung saan maaaring pindutin ang “click to call” logo sa kanang ibabang bahagi ng website ng ahensya para may makausap na live agent. Ang serbisyong ito ay bukas din 24/7. 


Maaari ring mag-request ng callback ang  mga miyembro. I-text lamang ang  “PHICallback” <space> mobile number na  tatawagan <space> “ang inyong katanungan” sa 0998-8572957, 0968- 8654670, 0917-1275987 at 0917-1109812. 


Nagpaalala naman si Ledesma sa mga miyembro na gagamit ng callback channel  na maging maingat at siguruhing lehitimong empleyado ng PhilHealth ang kausap.


Upang maiwasan na malinlang  ng mga mapagsamantala na ang pakay ay pagnanakaw ng mga personal na impormasyon, tanungin muna sa ahente ang ilang detalye tulad ng petsa kung kailan nag-request ng callback ang miyembro.” 


Dagdag pa ni Ledesma na ang mga pagbabagong ito ay bahagi ng layunin ng PhilHealth na pagpapabuti ng kanilang serbisyo upang ang mga miyembro ay maging updated sa kanilang health insurance benefits. 


Hinihikayat din niya na bumisita sa www.philhealth.gov.ph/ at i-follow ang Facebook page na @Philhealth Official at X account @teamphilhealth upang masubaybayan ang mga bagong impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyo ng PhilHealth.


0 comments

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page