top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Pharaoh's Fairy nanguna sa Turf

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 30, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 30, 2023


Pinasaya ni Pharaoh's Fairy ang mga dehadista matapos nitong angkinin ang panalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Miyerkules ng gabi.


Sinakyan ni jockey O'Neal Cortez, pumuwesto muna sa pang-apat si Pharaoh's Fairy para panoorin ang nasa unahan na si Sandigan na pinapahirapan ni Luke Skywalker na nasa segundo.


Bakbakan ang nasilayan ng mga karerista mula far turn hanggang sa rektahan kung saan ay apat na kabayo ang nagkapanabayan sa unahan.


Sa huling 50 metro ng laban ay dikit-dikit pa rin sa unahan kaya nanalo si Pharaoh's Fairy ng may leeg lang ang pagitan sa pumangalawang si Sandigan.


Inirehistro ni Pharaoh's Fairy ang tiyempong 1:26. 2 sa 1,400 meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Hinamig ng winning horse owner na si MF Mangaliman ang P10,000 karagdagang premyo, tumersero ang Full Control habang pumang-apat si Uncle Vhines.


Samantala, nasiyahan ang mga karerista dahil umabot sa walong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI).


Nasiyahan din ang mga racing aficionados sa pagkakapanalo ni Cash Is King sa isa pang PRBHS Class 5 na pinakawalan sa pangalawang karera.


Pangalawang tumawid sa meta si Lucky Hilda, pangatlo si Steady Cat habang pang-apat si Caloocan Girl.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page