top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

PH Embassy sa Israel, imbes sumaklolo sa mga Pinoy na maiipit sa giyera, nagsara?!!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 9, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 09, 2023


SAKIT-ULO ANG INAABOT NG MGA RICE SMUGGLERS AT HOARDERS KAY P-BBM KASI MGA BIGAS NA INISMAGEL AT ITINAGO NILA, IPINAMIMIGAY NG PRESIDENTE SA MGA MARALITANG PINOY -- Sakit-ulo ang inaabot ngayon ng mga rice smugglers at hoarders sa Marcos administration kasi nagkaroon din sila ng katapat, at ito ay sa katauhan ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM).


Masyado kasing napagalit ng mga rice smugglers at hoarders si P-BBM, kaya ang ginawang diskarte ng Presidente, ‘yung mga kumpiskadong smuggled rice at mga bigas na naka-hoard sa mga bodega ng mga rice cartels ay ipinamimigay niya sa mga maralitang Pinoy sa bansa.


Ika nga, imbes kumita sa kanilang rice smuggling at hoardings, lugi ang inaabot nila sa diskarteng ito ni P-BBM, period!


◘◘◘


DAPAT SIBAKIN NI P-BBM ANG MGA OPISYAL NG PHILIPPINE EMBASSY SA ISRAEL -- Matapos sumiklab ang giyera sa pagitan ng Israel at Hamas-Palestinian Islamist Group ay inanunsyo ng Philippine Embassy sa Israel na isinara na muna nila ang kanilang tanggapan sa bansang ito.


Dapat tanggalin ni P-BBM ang mga opisyal na nakatalaga sa Philippine Embassy sa Israel, kasi kung kailangan ng mahigit 30K overseas Filipino workers (OFWs), eh sinabayan pa ito ng pagsasara ng embahada sa Israel, tsk!


◘◘◘


CONFI FUND NI MAYOR MAGALONG P2M LANG, IBINIGAY ITO SA BAGUIO POLICE PARA PANG-PEACE AND ORDER, AT SANA ANG DISKARTE NIYANG ITO GAYAHIN NG LAHAT NG ALKALDE -- Dahil sa mainit na isyu tungkol sa confidential fund, na pati pala ang mayor ay meron nito, inamin ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na siya man ay may confidential fund din, at ito ay P2 million lang. Pero ayon sa kanya, hindi niya ito hinahawakan dahil ang confi fund na ito ay ibinibigay niya lahat sa Baguio City Police Station para magamit pang-peace and order sa lungsod. At ang mahigpit niyang tagubilin sa kapulisan ay dapat may transparency at accountability sa paggamit nito.


Sana, gayahin ng lahat ng alkalde ang ginawang ito ni Mayor Magalong, P2M lang ang hininging confi fund sa city council, hindi niya ito hinawakan para ariin at sa halip ibinigay niya sa tamang tanggapan na Baguio City Police Station na siyang may mandato sa law enforcement sa lungsod, period!


◘◘◘


PURA LUKA VEGA, KUMITA PA SA KABASTUSANG GINAWA KAY KRISTO --Nakalaya na sa pagkakakulong si Pura Luka Vega, ang drag artist na nambastos kay Kristo sa isang event, at kaya siya nakalaya ay dahil may mga tagahanga siyang nag-ambagan para sa kanyang piyansa.


Umabot sa higit P500K o kalahating milyong piso umano ang nalikom niya.


Aba teka, P72K lang ang piyansa niya sa mga kasong isinampa sa kanya, tapos umabot ng higit P500K umano ang kanyang nalikom, eh aba’y kung ganoon, kumita pa pala siya sa ginawa niyang pambabastos kay Jesus Christ, tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page