ni Angela Fernando @News | May 8, 2024
Nagsama si Vincent Aycocho o mas kilala bilang Petite at Aiko Melendez sa isang vlog kamakailan at hindi naiwasang mapag-usapan ang namayapang ama ng komedyante.
Aminado si Petite na napilay siya nu'ng pumanaw ang ama ngunit kinailangan niyang maging matatag para sa ina at mga kapatid.
Pagbabahagi ni Petite, pinaghandaan niya talaga ang amang may sakit magmula sa pagpapagamot at magarbong libing kahit sa gitna ng pandemya dahil bedridden na raw ito bago pa magkaroon ng COVID-19 sa 'Pinas.
Ipinangako niya rin talaga sa amang magkakaroon ito ng magandang kabaong dahil walang nakaranas sa kanilang pamilya ng bonggang libing.
Kahit na naging emosyonal ang vlog na ito, marami pa rin sa madla ang natuwa sa guesting ni Petite dahil sa natural na mga hirit nito at bet na bet ng madla ang tandem nila ni Aiko.
Comentarios