Petisyon ni Roque vs QuadComm, ibinasura ng SC
- BULGAR

- 10 hours ago
- 1 min read
ni Dominic Santos @News | March 30, 2025

Photo: Harry Roque / FB
Inihain ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque para patigilin ang House Quad Committee (QuadComm) na arestuhin siya, i-require dumalo sa pagdinig, at magsumite ng mga dokumentong may kaugnayan sa imbestigasyon nito sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon sa desisyon ng Korte Suprema, wala na umanong saysay ang petition for certiorari and prohibition na inihain Roque dahil inalis na ng QuadComm ang contempt order laban dito kasabay ng adjournment ng Kongreso noong Hunyo 11, 2025.
Matatandaan na kabilang si Roque sa mga iniuugnay sa POGO hub sa Porac, Pampanga dahil tumayo siya bilang abogado at representative ng Whirlwind Corporation kung saan nakatayo ang Lucky South 99 POGO hub.
Nakabinbin din ang kasong qualified human trafficking laban kay Roque na hindi pa rin naaaresto dahil kasalukuyan itong nasa ibang bansa at kumukuha ng asylum.




Comments