top of page
Search

by Info @News | October 13, 2025



Harry Roque

File Photo: Harry Roque / FB


Hinikayat ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque ang publiko na makiisa sa mga malawakang protesta at panawagan kontra-korupsiyon.


Naniniwala si Roque na people power ang natatanging solusyon sa tindi ng katiwalian sa pamahalaan.


Dagdag pa nito, walang mangyayari sa bansa kung hindi magsasalita at lalaban ang taumbayan kontra-korupsiyon sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Kaugnay nito, binigyang-diin din ni Roque na tama lamang na magalit ang publiko at nararapat na ganapin ang rally sa harap mismo ng bahay ng mga korup.

 
 

ni Eli San Miguel @News | Dec. 4, 2024



Photo: Harry Roque - IG


Walang indikasyon na tumulong ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) kay dating presidential spokesperson Harry Roque na umalis mula sa bansa, ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval ngayong Miyerkules.


Inihayag niya na wala pang indikasyon sa paunang imbestigasyon.


Nakumpirmang umalis na ng Pilipinas si Roque, na pinatawan ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO).


Lumabas ang kumpirmasyon matapos siyang magsumite ng counter-affidavit na notarized sa Abu Dhabi.


Gayunpaman, naniniwala ang Bureau of Immigration (BI) na posibleng umalis si Roque ng bansa sa ilegal na paraan, dahil ayon sa mga rekord, wala itong pagtatangkang lumabas ng bansa gamit ang mga pormal na proseso.

 
 

ni Angela Fernando @News | Sep. 24, 2024



News photo

Naghain si Atty. Melvin Matibag, dating acting secretary ng Gabinete sa ilalim ng administrasyong Duterte ng kasong disbarment sa Korte Suprema laban kay Harry Roque nitong Martes.


Ayon kay Matibag, isinampa niya ang kaso ng disbarment dahil sa mga post ni Roque sa social media, partikular niyang tinukoy ang deepfake video na ipinost ni Roque, kung saan ipinapakita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumagamit umano ng droga.


Matatandaang ang naturang video ay naging viral nu'ng Hulyo, ngunit binigyang-linaw ng mga otoridad na hindi si Marcos ang taong laman ng nasabing clip.





 
 
RECOMMENDED
bottom of page