Petisyon kontra-NCAP, ibinasura ng SC
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | July 10, 2026

Photo: File / MMDA
Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong kumukuwestiyon sa legalidad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) na ipinatutupad ng ilang local government units sa Metro Manila.
Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Rodil N. Zalameda noong Hunyo 3 ngunit isinapubliko lamang nitong Huwebes, sinabi ng Korte na nawalan na ng saysay ang petisyon dahil sa mga pagbabago sa umiiral na mga regulasyon.
Binigyang-diin ng Korte Suprema na ang pagpapatupad ng unified traffic code sa buong Metro Manila ay naglatag ng iisang pamantayan sa pagpapatupad ng mga batas-trapiko, kaya hindi na kailangang resolbahin ang mga isyung inilahad sa petisyon.
Ayon pa sa hukuman, wala nang aktuwal na kontrobersiyang dapat pagpasiyahan dahil sa mga bagong patakaran ng mga ahensya at lokal na pamahalaan.
Dahil dito, ibinasura ang petisyon bilang moot and academic o usaping wala nang praktikal na saysay upang pagdesisyunan pa ng korte.





Comments