top of page

PETA, nagbabala laban sa pag-iwan ng mga hayop sa pagbaha

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 24, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando @News | July 24, 2024



Showbiz News

Nanawagan ang People for the Ethical Treatment of Animals Asia (PETA) sa publiko nitong Miyerkules na huwag iwanan ang kanilang mga alagang hayop kapag lumikas, kung maaari, sa gitna ng pagbaha dulot ng Bagyong Carina.


“If at all avoidable, never leave your animals behind to fend for themselves when evacuating. Never tie animals up or leave them caged or confined in any way, as they will be trapped and unable to flee rising floodwaters,” paalala ng PETA.


Samantala, sinabi ng PETA na dapat tiyakin ng mga may-ari na may access ang kanilang mga alagang hayop sa ikalawang palapag kung mayroon man, upang makaligtas sila sa pagbaha.


Sinabi rin ng PETA na ang maliliit na hayop ay dapat ilagay sa mga kulungan habang ang mga aso naman ay dapat itali sa panahon ng paglikas, dahil maaaring maging matapang sila dulot ng nakakatakot na tunog at hindi pamilyar na kapaligiran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page