Peryahan ng Bayan at iba pang pasugalan, ipasara na bago pa pagmulan ng bagong ‘wave’ ng COVID-19

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 4, 2020
IATF, KINUWESTIYON NA MAS INUNA PANG BUKSAN ANG MGA PASUGALAN KAYSA SA PAARALAN—Kinuwestiyon ni Sen. Imee Marcos ang desisyon ng IATF (Inter-Agency Task Force) na mas inuna pang iaprub na pabuksan ang operasyon ng mga sugalan tulad ng sabungan, kaysa buksan ang mga paaralan at pag-aralan kung paano maibabalik nang ligtas ang face-to-face classes sa mga mag-aaral.
Maiinis talaga si Sen. Imee sa IATF kasi mantakin ninyo, mas inuna pa ang kapakanan ng mga gambling lords at sugarol, kaysa sa kapakanan ng mga estudyante, boom!
◘◘◘
DAHIL SA “PERYAHAN NG BAYAN”, BAKA MABALIK SA GCQ ANG CAVITE AT RIZAL—Hindi nakasama ang Cavite at Rizal sa inaprub ni P-Duterte na isailalim muli sa GCQ (General Community Quarantine) dahil mababa na ang kaso ng COVID-19 sa dalawang lalawigang ito, pero dahil namamayagpag na ngayon ang operasyon ng “Peryahan ng Bayan” ni “Manalac” sa dalawang probinsiyang ito, posibleng tumaas na naman ang bilang ng mga magkaka-virus sa mga lugar na ito kasi sa uri ng operasyon ng operasyon nito ay malalabag ang social distancing sa pagitan ng mga kubrador at mananaya.
Kaya’t kapag dumami ulit ang magkaka-COVID-19 sa Cavite at Rizal, malamang sa susunod na announcement ng Pangulo, back to GCQ ang dalawang lalawigang ito, period!
◘◘◘
CAVITE GOV. REMULLA AT RIZAL GOV. YNARES, DAPAT UMAKSIYON NA VS. “PERYAHAN NG BAYAN”—Nakababahala ang estilong jueteng na “Peryahan ng Bayan” sa Cavite at Rizal kasi isa lang sa mga kubrador at mananaya ang may virus, hawaan na ‘yan na posibleng ikamatay ng sinumang tatamaan ng salot na COVID-19.
Kaya’t hangga’t may panahon pa, dapat umaksiyon na sina Cavite Gov. Jonvic Remulla at Rizal Gov. Rebecca Ynares na ipa-stop ang “Peryahan ng Bayan” sa kanilang mga nasasakupan, bago pa lumaganap ang COVID-19, boom!
◘◘◘
SA IBANG LALAWIGAN, STL-CON JUETENG NAMAN ANG NAMAMAYAGPAG—Kung sa Cavite at Rizal ay estilong jueteng na “Peryahan ng Bayan” ang nag-o-operate, sa mga lalawigan naman ng Laguna, Batangas, Iloilo, Orientam Mindoro at Occidental Mindoro ay estilong jueteng na STL (small-town lottery) naman ang nag-o-operate.
Astig ang raket na jueteng, ha? Kahit sa panahon ng COVID-19 pandemic, tuloy pa rin ang operasyon, napaka-untouchable, buwisit!





Comments