top of page

Permit sa pagpuputol ng puno

  • BULGAR
  • May 10, 2022
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 10, 2022


Dear Chief Acosta,

Ang aking tiyuhin ay kumuha ng permit para putulin ang puno ng niyog sa aming bakuran dahil may sakit ito, ngunit pinapakuha pa diumano siya ng Philippine Coconut Authority (PCA) ng sertipikasyon mula sa aming barangay na nagpapatunay na siya ay nagtanim ng puno ng niyog na kapalit sa kanyang mga puputulin. Tama po ba ito?

Reva


Dear Reva,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong suliranin ay tinatalakay sa Republic Act No. 10593, amending Republic Act No. 8048 o Coconut Preservation Act of 1995. Nabanggit sa Section 2 ng nasabing batas na:

“Section 2. Section 5 of Republic Act No. 8048 is hereby amended to read as follows:

Section 5. Permit to Cut. - No coconut tree or trees shall be cut unless a permit therefore, upon due application being made, has been issued by the PCA pursuant to Section 6 of this Act.

xxx

No permit to cut shall be granted unless the applicant has secured from the barangay captain of the locality where the cutting will be done, a certification under oath that he/she has already planted the equivalent number of coconut trees applied for to be cut.xxx” (Binigyang-diin)

Malinaw na nabanggit sa nasabing probisyon ng batas na bago mabigyan ang aplikante ng permit upang makapagputol ng puno ng niyog ay kinakailangan muna niyang makakuha ng certification under oath mula sa barangay captain ng lokalidad kung saan siya magpuputol na siya ay nagtanim na ng mga puno ng niyog katumbas ng bilang ng kanyang mga puputulin.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page